AMINADO ang tinaguriang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid na malaki ang pinagbago ng timbre ng kanyang boses. Pero hindi siya nababahala dito.
”You know, when you’re a woman, there’s so many changes in your body when you give birth, I’m going through menopause, plus yung mga hormones it affects your voice. Nung bata ako, parang kahit tulog ako kaya kong kumanta eh. Ganun lang naman talaga yun eh, you just have to get used to it again. There was a time I also wasn’t singing,” ang say ni Regine.
Unti-unti na rin namang nakakasanayan ni Regine ang changes sa timbre ng kanyang boses.
“My voice has changed. It doesn’t sound the same and I’m okay with that kasi ang weird naman kung parang 50 years old tapos ganito yung boses ko,” dagdag pang say ni Regine.
Samantala, excited na rin si Regine sa muling pagsasama nila ni Megastar Sharon Cuneta sa isang concert, ang follow up ng “Iconic” concert na unang ginawa nila ni Ate Shawie last 2019. Ngayon naman ay gagawin sa darating na June 17 and 18 at the Marriott Grand Ballroom at Resorts World Manila in Pasay City.
AJ RAVAL FEEL MAKATRABAHO SI BARBIE IMPERIAL
Nalilinya sa kaliwaan bluesang byuti ni AJ Raval. Una yung sa kaso nila ni Diego Loyzaga, kung saan naakusahan siyang third party sa hiwalayan nila ni Barbie Imperial. Sumunod naman si Aljur Abrenica, na sa kainitan ng hiwalayan nila ni Kylie Padilla ay third party rin umano si AJ.
kapwa naman ‘nalusutan’ ni AJ ang mga bintang na ito. Pero ang tsika, hindi raw feel ni Barbie na makasama sa isang movie si AJ kahit kapwa sila Viva talents.
Pero kay AJ: “Si Barbie? Okey lang naman po kung magkakaroon ng chance. Kung may mga sinasabi siya, mako-confront ko po siya. Actually, nu’ng pumutok ’yung isyu namin, ako po nag-message sa kanya. Sabi ko sa kanya, ‘Huwag magpapadala sa mga tao.’ Naiintindihan ko po siya, na-provoke lang po siya kung bakit nagsalita siya nang ganu’n. Tapos, nag-reply po siya, sabi niya, ‘Thanks, AJ.”
RURU MADRID DUMARAAN SA MATINDING PAGSUBOK
Dumaraan ngayon sa matinding pagsubok ang Kapuso Hunk actor para sa isang project na malapit sa kanyang puso, ang “Lolong” kung saan ay maituturing na launching teleserye niya.
Noong na-conceptualize ang project, super happy si Ruru, pero habang nasa taping ay nag-lockdown kaya nahinto ang galawan sa showbiz.
Nang matuloy naman ito via lock-in taping, nahinto uli dahil sa Omicron. Ngayong tuloy na uli, ‘nadisgrasya’ naman si Ruru. Na-out of balance daw siya sa ginawa niyang stunt kaya nagka-fracture ang kanan niyang paa.
“Medyo nag-alangan ako kasi parang gusto kong i-perfect ang scene. Medyo nakulangan sa taas ng talon ko so sabi ko, ‘In this take, tataasan ko na siya. Habang ginagawa ko siya, nagulat ako do’n sa sarili ko na gano’n kataas ‘yung take-off ko kaya pagbagsak ko, unexpected nabigla kong na-twist ‘yung right foot. Di ko kayang tumayo dahil sa sobrang sakit,” ang say ni Ruru.
Back to taping na ulit si Ruru kaya laban lang hanggang sa matapos niya ang ‘Lolong’.