REGIONAL SECURITY, AGENDA SA PULONG NI DU30 SA ASEAN-KOREA

Duterte-42

REGIONAL security ang pangunahing agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pakikipagkita sa iba pang leaders na dadalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-South Korea Commemorative Summit sa Busan, South Korea.

Sa isang press conference, sinabi ng Pangulong Duterte na magkakaroon sila ng bilateral meeting ni South Korean President Moon Jae-in sa sidelights ng dadaluhang commemorative summit sa Nob­yembre 25-27.

Tampok ang geopolitics na pangunahing agenda gayundin ang usa­pin sa tensiyon sa  Korean Peninsula at Spratly Islands, kung saan ang South Korea ay tutol din sa pag-okupa ng China sa mga teritoryong pinag-aagawan sa South China Sea.

“This will be taken up because one day, when we decide to really go for it, it will be the Western powers plus Seoul, plus Tokyo, and Australia. Malaysia…I do not know if… I’m not sure of Malaysia if they’ll join the fray,” sabi ng Pa­ngulo.

“I said if it is to the interest of the Republic that I will commit to any…then I will. But if it is not, I said, to the interest of the people of the Philippines, I will never commit to anything that would even jeopardize one life.” dagdag pa ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, bagama’t hindi siya mahilig magbiyahe ay nais niyang dumalo sa nabanggit na summit upang maisulong ang aniya’y “best interest” ng bansa sa natu­rang pagtitipon.

Marami aniyang mga bagay ang kanyang isinaa­lang-alang  sa nabanggit na pagbiyahe sapagkat ang South Korea ay isa sa mga bansang  top arms supplier.

“One is that we are buying arms. Second is that there are many assistance on the way, coming. Third is itong Seoul is a vital partner natin,” giit pa ng Pangulo.

Ang Filipinas ay bumibili ng corvette mula South Korea upang palakasin ang pambansang naval defenses na kung saan sa biyaheng ito ay nais niyang makita ang naturang defense equipment. EVELYN QUIROZ