REGULASYON SA OFF-CAMPUS ACTIVITIES (Pinagtibay na sa Kamara)

Deped pasig

PASADO na sa plenaryo ng Kamara ang panukala na nagre-regulate sa mga aktibidad sa labas ng mga campus at mga paaralan.

Sa botong 202 na sang-ayon at 6 na tutol ay pinagtibay na sa ikatlo at huling pagbasa ang Off-Campus Education Act o House Bill 8737.

Layunin ng panukala na matiyak na ang off-campus activities ay nakahanay sa mga aralin at sa curriculum ng mga estudyante.

Pinatitiyak din ng panukala na magre-regulate ang mga off-campus educational activities kung saan ito ay makakaambag sa pagpapahusay ng kaalaman, kakayahan at kagandahang asal sa mga mag-aaral.

Inaatasan ng panukala ang Department of Education (DEPED) at Commission on Higher Education (CHED) na magsagawa ng konsultasyon sa pagitan ng Department of Tourism, National Museum of the Philippines, National Historical Commission of the Philippines, National Commission for Culture and the Arts, at iba pang kaukulang ahensiya para sa pag-accredit ng mga venue  na maaaring pagsagawaan ng mga paaralan ng kanilang off-campus educational activities.

Mahaharap naman sa parusa ang mga educational institution na magsasagawa ng off-campus educational activities sa mga venue o lugar na hindi accredited ng DEPED at CHED. CONDE BATAC

One thought on “REGULASYON SA OFF-CAMPUS ACTIVITIES (Pinagtibay na sa Kamara)”

Comments are closed.