IPINAG-UTOS ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa lahat ng local government units (LGUs) sa buong bansa at Philippine National Police (PNP) na ipatupad ang regulasyon sa paggamit ng paputok ngayong Kapaskuhan at sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon kay Año malaki ang papel na gagampanan ng mga LGU at PNP sa pagpapatupad ng batas na nagre-regulate sa bentahan, paggawa, distribusyon at paggamit ng firecrackers at iba pang pyrotechnic devices.
Iniutos ni DILG Secretary Eduardo Año sa lahat ng Local Government Units (LGUs) sa buong bansa at Philippine National Police (PNP) na ipatupad ang regulasyon sa paggamit ng paputok ngayong panahon ng Kapaskuhan at pagsalubong sa Bagong Taon.
Nais ng DILG na maibaba pa ngayong taon ang mga nabibiktima o nasusugatan dahil sa paggamit ng paputok.
Nagpaalala pa ang DILG sa publiko sa paggamit ng mga ipinagbabawal na paputok o firecrackers tulad ng watusi, piccolo, super lolo, atomic triangle, large Judas belt, large bawang, pillbox, bosa, Goodbye Philippines, Bin Laden, mother rocket, lolo thunder, coke in can, atomic bomb, five star, pla-pla, giant whistle bomb at kabasi. V RUIZ