HINIKAYAT ni Kabataan Rep. Sarah Elago ang pamahalaan na maglaan ng pondo para sa rehabilitasyon ng mga pasilidad ng state universities and colleges (SUCs) na winasak ng bagyong Ompong.
Sa pagtaya ng mga awtoridad, aabot sa P428 million ang halaga ng nasirang mga pasilidad sa SUCs.
Pinakamalaking napinsala ang SUCs sa Cagayan Valley na aabot sa P215 million, sumunod ang SUCs sa Ilocos Region na may P193 million.
Umapela si Elago na paglaanan ng kalahating milyong piso ang mga nasirang SUCs matapos ang pananalasa ng bagyo.
Wala naman aniyang ibang mapaghuhugutan ng pondo ang SUCs para sa pagpapagawa ng mga nasirang pasilidad.
Hiniling ng kongresista na maihabol ang panukalang ito sa 2019 budget ng mga SUCs. CONDE BATAC
Comments are closed.