RELOCATION APELA NG MGA PINOY SA CHINA

Wuhan

WUHAN – LAGANAP na ang NCOV (novel coronavirus) scare sa mga Filipino na nasa China kaya naman tumaas pa ang pagnanais ng mga ito na saklolohan sila ng Philippine government para mailipat ng lugar.

Gayunman, dahil malayong lugar ang Wuhan may mga Pinoy pa rin ang limitado ang ang nakukuhang balita at impormas­yon hinggil sa nakamamatay na virus.

Mayroon pa rin umanong Pinoy na nagtatrabaho kahit hindi naka-mask.

Sarado na rin ang karamihan sa mga kalye sa Wuhan at marami na ang hindi nakakalabas at nakakapasok.

Marami namang nananamantalang negosyante at nagpapataas ng presyo ng mga bilihin sa gitna ng pagpa-panic buying.

Dahil sa pangambang makahawa ang sakit ay lockdown na rin ang buong Hubei province.

Nagkaubusan na rin ng face mask kaya hindi na sila nakabili at hindi rin makalabas at makabili ng dagdag na pagkain dahil sarado na lahat ng mga pamilihan. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM