BUMAGSAK ang personal remittances sa seven-month low noong Hunyo, ayon sa datos na ipinalabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ang personal remittances, o ang kabuuan ng transfers na ipinadala (cash o in-kind) via informal channels, ay bumaba ng 4.9 percent sa $2.615 billion noong Hunyo.
Ito ang pinakamababa magmula nang maitala ang $2.526 billion noong November 2017, at kumpara sa $2.751 billion noong June 2017.
Ang cash remittances, o money transfers na ipinadaan sa mga bangko, ay bumaba rin ng 4.5 percent sa $2.357 billion mula sa $2.467 billion.
“The countries that registered the biggest declines in cash remittances in June 2018 are the United Arab Emirates, Saudi Arabia, and Kuwait,” pahayag ng BSP.
“The Overseas Filipino Workers repatriation program of the government may have partly affected the remittance flows for the month,” sabi pa ng central bank.
Sa unang anim na buwan ng taon, ang personal remittances ay tumaas ng 2.8 percent sa $15.787 billion at ang cash remittances ay sumipa ng 2.7 percent sa $14.179 billion.
Dagdag pa ng BSP, ang cash remittances na nagmula sa United States, Saudi Arabia, Singapore, United Kingdom (UK), UAE, Japan, Qatar, Germany, Hong Kong, at Canada ay bumubuo sa mahigit 79 percent ng total cash remittances para sa unang anim na buwan ng 2018.
Comments are closed.