NAGTALA ng 3.7 porsiyentong pagtaas ang remittances mula sa overseas Filipino workers (OFWs) noong Abril sa likod ng matatag na inflow mula sa land-based workers, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa datos ng central bank, ang personal remittances—ang kabuuan ng ipinadalang cash at in-kind via informal channels—ay tumaas sa $2.713 billion noong Abril mula sa $2.627 billion noong nakaraang taon.
Year-to-date, ang personal remittances ay tumaas ng 3.7% sa $10.811 billion laban sa $10.426 billion sa kaparehong panahon noong nakalipas na taon.
“The continued growth in personal remittances during the first four months of 2019 was driven by steady remittance inflows from land-based OF workers with work contracts of one year or more,” sabi ng BSP.
Dagdag pa ng central bank, ang inflows mula sa kita ng sea-based workers at land-based workers na may short-term contracts ay nakapag-ambag din sa pagtaas at may kabuuang $2.3 billion mula sa $2.1 billion noong nakaraang taon.
Samantala, tumaas din ang cash remittances ng 4.0% sa $2.441 billion.
Dahil dito, ang year-to-date cash remittances ay lumago ng 4.1% sa $9.739 billion.
“This growth was supported by remittances from both land-based ($1.8 billion) and sea-based ($0.6 billion) workers, which rose by 2.2% and 10.6% respectively,” anang BSP.
Ang pinakamalaking bahagi ng remittances sa January-April period ay nagmula sa United States sa 35.9 percent, sumusunod ang Saudi Arabia, Singapore, United Arab Emirates, the UK, Japan, Canada, Hong Kong, Qatar at Germany.
Comments are closed.