REMITTANCES PAPALO SA $31 BILLION

Rep Henry Ong-2.jpg

TIWALA ang isang lider sa Kamara na aabot sa mahigit $31 billion ang kabuuang remittances mula sa overseas Filipinos ngayon taon.

“Considering that monthly OFW money transfers have not gone lower than $2 billion since February 2016… personal remittances already totaled $26.5 billion in January to October, the $31 billion mark is near certainty,” ayon kay  House Committee on Banks and Financial Intermediaries Chairman Henry Ong.

Aniya, dahil ang remittances ay laging pumapalo sa pinakamataas tuwing Disyembre, malaki ang posibilidad na mahigitan ang $31 billion.

Sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang remittances mula sa OFWs sa Africa ay tumaas ng 22.7 percent sa $113.23 million sa January- October period ngayong taon, mula sa $92.3 million sa kaparehong panahon noong 2017.

Ito ay gawa na rin ng pagtaas ng money transfers ng mga OFW mula sa Africa, Europe, ­Oceania Pacific Islands, United States, ­Canada at Asia.

Malaking bahagi ng remittances mula sa Africa ay nagmula sa Liberia, na nagkakahalaga ng $57,85 million. Sumusunod ang Nigeria, Seychelles, at Egypt na may $8.74 million, $2.01 million at $2.06 million, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Tumaas din ang remittances mula sa Europe ng 8.7 percent sa $3.44 billion mula sa $3.16 billion dahil na rin sa Filipino seafarers, nurses, engineers, farmers at household service workers.

Umangat naman sa 11.5 percent sa $647 million mula sa $580.4 million ang  remittances mula sa Pacific island  nations at Oceania regions, habang ang money transfers mula sa New Zealand at Marshall Islands ay umabot sa $199.11 million at $42.80 million, ayon sa pagkakasunod.

Mula sa Northern America, mahigit sa $10 billion ang ipinadala sa Filipinas. Ang remittances mula sa United States ay sumirit ng  6 percent sa $8.2 billion, at mula sa Canada ay tumaas ng 54.1 percent sa $806.36 million. CONDE BATAC

Comments are closed.