REORGANISASYON SA KORTE SUPREMA

KORTE SUPREMA

NAGSAGAWA ang Korte Suprema ng re-organization sa mga miyembro ng tatlong division nito matapos italaga sa puwesto ang bagong Chief Justice na si Diosdado Peralta.

Tatayo si Peralta bilang chairman, si Associate Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa naman bilang working chairman, at ang mga miyembro naman ay sina Associate Justices Jose C. Reyes Jr. at Amy C. Lazaro Javier.

Magiging temporary member naman si Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting.

Para naman sa second division ng SC, mamumuno bilang chairman si Associate Justice Estela Perlas Bernabe habang miyembro naman sina Associate Justices Andres B. Reyes Jr., Ramon Paul L. Hernando, at Inting.

Ang temporary member naman ay si Associate Justice Rodil V. Zalameda.

Samantala, ang chairman naman sa SC third division ay si Associate Justice Marvic F. Leonen, ang mga miyembro ay sina Associate Justices Alexander G. Gesmundo, Rosmari D. Carandang, at Zalameda habang si Justice Javier naman ang temporary member.

Mayroon ngayong tatlong bakanteng puwesto sa Korte Suprema matapos ang pagreretiro ng ilang mahistrado.

Comments are closed.