MAAARI nang mag-operate ‘partially’ ang mga kompanya na nag-aalok ng repair services sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine.
Ayon sa Malakanyang, ang mga kompanya na may kinalaman sa repair at maintenance ng machinery at equipment, kabilang ang pagkukumpuni ng computers at household fixtures at equipment, ay papayagan nang magpatupad ng skeletal workforce sa ECQ areas.
Ang update ay bahagi ng May 22 resolution ng inter-agency pandemic task-force ng pamahalaan.
Bukod sa repair services, puwede na ring magpatupad ng skeletal workforce sa ECQ areas ang mga printing press na awtorisado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) o iba pang angkop na ahensiya para mag-print ng official receipts at iba pang accountable forms, gayundin ang retail estate activities na limitado lamang sa leasing.
Comments are closed.