REPATRIATION NG MGA PINOY SA LEBANON MINAMADALI NG DFA

Sarah Lou Arriola

MINAMADALI ang repatriation sa mga overseas Fililpino (FAs).mula Lebanon ng Department of Foreign Affairs (DFA) kasunod ng mga kilos protesta at pagbibitiw sa puwesto ng mga goverment official.

Mas pinatindi ng  DFA  ang mga operasyon nito upang mapauwi ang mga Filipino sa bansa sa lalong madaling panahon dahil sa kaliwa’t kanang kilos protesta sa mga lansangan at ang sopresang pagbibitiw ng gobyerno ng Lebanon,

“Walang sino man ang maiiwan”, ito ang sinabi ni Migrant Workers Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola.

Maraming mga hakbang ang ipatutupad sa mga darating na araw.

Ang una sa DFA chartered-flight mula sa Beirut ay inaasahang darating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa ika- 17 Agosto, ala 1:25 ng hapon. 400 overseas Filipinos ang inaasahang darating sa bansa.

Ang Qatar Airways naman ang magiging una sa serye ng repatriation flights na ikakasa ng DFA upang maiuwi ang  mga kababayan na nais ng bumalik sa bansa.

Sinabi pa ni Undersecretary Arriola na ang mga flight na ito ay libre at walang gastos ang mga Pinoy. LIZA SORIANO

Comments are closed.