RESCUE OPS NG AFP HANDA NA

Gilbert Gapay

TINIYAK kahapon  ni Armed Forces of the Philippines chief of staff Gen. Gilbert Gapay na nakaantabay na ang militar na magsagawa ng emergency response at rescue operations sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Rolly at maging ng panibagong tropical storm Siony na nakapasok na sa  Phi­lippine Area of Responsibility.

“Handang-handa tayo ngayon para sa bagyong Rolly. Let us maintain that high state of readiness,” ani Gapay sa mga miyembro ng Joint Task Force-National Capital Region (JTF-NCR) ng AFP sa isinagawang preparedness inspection sa Camp Aguinaldo sa Quezon City sa kasagsagan ng pananalasa ni Rolly sa Luzon.

Ayon kay Gapay, may inisyal na  600 mi­yembro ng JTF-NCR ang naka-deploy ngayon sa mga flood-prone area sa Metro Manila para tu-mulong sa mga lokal na pamahalaan sa rescue operation at evacuation.

Gayundin, mahigit sa 8,000 active at reserve personnel ng AFP ang naka-deploy sa Luzon at Visayas para sa disaster response at 2,000 tau-han naman ng AFP Southern Luzon Command ang tumutulong sa rescue ope­rations

“I’m confident that our troops are ready to respond to any call for assistance. Mag-ingat din tayo as responders and rescuers. Let’s not be victims of this calamity,” diin ni Gapay.

Nag-deploy din ang AFP ng mga ground vehicle at nakahanda rin ang mga transport aircraft tulad ng mga helicopter.

Sinisiguro din ni Gapay na babantayan ng militar ang mga evacuation center para matiyak na nasusunod ang mga health protocol laban sa CO­VID-19. VERLIN RUIZ

Comments are closed.