RESIDENTE NG RIZAL DAMAY SA DAGDAG SINGIL SA TUBIG

TUBIG-7

LAGUNA  – NAGHAIN ng petition ang libu-libong water consumer kaugnay ng biglaan umanong taas ng singil sa tubig sa bayan ng Rizal.

Kaugnay nito, naghain ng protesta ang maraming mamamayan ng bayan ng Rizal sa Sangguniang Panlalawigan nitong nakaraang araw ng Lunes ng umaga bilang pagtutol ng mga ito sa ipinatupad na biglaang pagtaas ng singil sa tubig sa pamamagitan ng ipinasang Resolution ng Sangguniang Bayan na may numerong 05-03-2017.

Dahil dito, umabot na halos sa mahigit na isang taon ang isinagawang implementasyon sa kabila ng hindi pa umano ito dumadaan sa pormal na pagdinig sa ilalim ng pamunuan ng Committee on Ways and Means Laguna 1st District Board Member Magtangol Jose Carait III.

Mula sa lugar, bitbit ng mga ito ang placard habang nakaapak kung saan nakatala ang sinasabing pahirap ng mga ito sa mga mamamayan kabilang ang pagpapatunay ng libu-libong lagda ng mga ito sa kanilang inihaing petisyon.

Sinasabing mula sa halagang P20 taripa na itinakda ng Pamahalaang Lokal ng bayan ng Rizal kada 30 metro kubiko ng tubig na konsumo ng libu-libong consumer na dapat bayaran kada buwan may ilang taon na rin ang nakakaraan, agarang nagpasa pa ang mga ito ng isang Resolution para sa karagdagang P50 piso.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa halagang P70 piso ang kabuuang halaga ng taripa na binabayaran ngayon ng mga consumer (household) sa unang 10 kubiko ng tubig (1st 10 cubic meter/mos.) kada buwan habang sa mga Commercial Establishments naman ay pumapatak sa halagang P120 piso sa unang 10 kubiko ng konsumo ng tubig.

At kung hihigit pa sa sinasabing unang 10 kubiko na makokonsumo, may karagdagan pang halagang P5 piso per kubiko (in excess) na dapat bayaran kada buwan samantalang sa mga estabilisimyento ay halagang P10 piso pa rin (in excess).

Ayon sa isinagawang pahayag ni Provincial Board Secretary Francisco Macabuhay, nananatili at patuloy pa rin aniya ang isinasagawa nilang pagsusuri dahil hindi pa aniya ito na-review o sumasailalim sa pagdinig ng Sangguniang Panlalawigan kung ito ay approve or disapprove.

Aalamin din aniya ng mga ito kung may ginawang paglabag ang Sangguniang Bayan ng Rizal at kung sakali umanong mapatunayan, posibleng maharap ang mga ito sa kasong administratibo.

Kung ibabalik o ire-refund naman sa mga consumers ang kanilang mga ibinayad sa nakalipas na mahigit na isang tao ani Macabuhay, dadaan aniya sa napakahirap na proseso.

Nagbigay din ng pahayag si Laguna Vice Governor Atty. Karen Agapay na agarang sasailalim aniya ito sa isasagawang pagdinig ng magkabilang panig sa lalung madaling panahon ng nakatalagang Committee para masolusyunan ang kinakaharap nilang problema.

Samantala, nananawagan naman ang mga dating Municipal Councilor na sina Jeffrey Palce, Marlon Solquia, Ismael Virina, at Ronaldy Villanera sa Sangguniang Panlalawigan ng Laguna na agaran silang magpalabas ng Committee Report kung aprubado o hindi aprubado ang ipinasa nilang Resolution para agarang maningil ang mga ito ng karagdagang halaga ng tara sa tubig dahil lumilitaw na hindi pa umano ito nila pinahihintulutan at hindi pa rin aniya ito dumadaan sa pormal na pagdinig.  DICK GARAY

Comments are closed.