ISANG sundalo ang nasugatan matapos maganap ang dalawang magkasunod na pagsabog sa Sitio Tibongbong, Igasan Patikul, Sulu.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command Spokesperson Major Arvin Encinas, ang unang pagsabog ay naganap alas-7:34 ng umaga.
Ang pinasabog ay isang Improvised Explosive Device (IED) at 30 metro lamang ang layo mula sa reclamation site sa Sulu.
Ang pangalawang pagsabog ay naitala dakong alas-8:30 ng umaga sa kaparehong lugar kung saan nagsasagawa na nang clearing operation ang k9 team.
Dahil dito tinamaan ng shrapnel ang isa sa mga sundalo na kinilalang si CPL Rene Mediana na miyembro ng Philippine Army. REA SARMIENTO
Comments are closed.