RESIDENTIAL AREA SA MAYNILA, NILAMON NG APOY

NILAMON ng apoy ang isang residential area sa harap ng isang mall sa kahabaan ng Recto Avenue sa Maynila kahapon ng hapon.

Ayon sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR), umabot sa unang alarma ang sunog bandang alas-3:14 ng hapon.

Ang naturang sunog ay umabot sa ikalimang alarma dakong alas-3:46 ng hapon. ibig sabihin, 10 o higit pang mga bahay ang naapektuhan at 20 fire truck ang kailangan para ma-contain ito.

Nabatid na sa ibabang gusali ay maraming naka-imbak na mga second hand o mga lumang libro na isa rin sa dahilan ng mabilis na paglaki ng apoy.

Mabilis na kumalat ang apoy dala ng malakas na hangin at gawa sa light material ang naturang gusali, higit pa dito ay may kalumaan na ang nasabing gusali.

Dahil sa sunog, nagpatupad ng provisionary service ang pamunuan ng LRT2. Ang mga tren ay tatakbo lamang mula Legarda station hanggang Antipolo station at vice versa.

EVELYN GARCIA