Ang daming foreigners mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang gustong mag-retire sa Pilipinas. Tama sila, napakagandang magretiro sa ating bansa.
Ang retirement, para sa marami, ay isang paraan upang permanenting makatakas sa mabilis afford ng retiree.
Top destination pa rin ng mga retirees ang Southeast Asia. Ang dahilan? Mura kasi ang pamumuhay dito at magaganda ang dalampasigan, bukod pa sa mainit ang panahon, mura ang healthcare, at mababait pa ang mga tao, lalo na sa Pilipinas.
Sa Southeast Asia, paboritong paborito nila ang Pilipinas. Nag-iimbita rin ang bansa ng mga ex-pat retirees, para sa madali at perk-filled path to permanent residency. Mataas ang standard of living sa Pilipinas at malaki ang oportunidad sa adventure, pero mababa lamang ang cost of living kaya barato talaga.
Tayo na yata ag pinaka-welcoming place na lugar sa buong mundo para sa mga international retiree, hindi pa kasali ang nakasanayan na nating warm hospitality – kung saan sikat na sikat ang mga Filipino.
Nagbibigay ang Pilipinas ng Special Resident Retiree’s Visa (SRRV), isang special non-immigrant visa para sa mga foreign nationals na nagnanais na gawing second home ang Pilipinas o kaya naman ay investment destination. Ang mga benefits ng Special Resident Retiree’s Visa (SRRV) ay indefinite stay with multiple-entry/exit privileges; access sa Greet & Assist Program sa mga piling airports sa bansa; free subscription sa PRA Newsletter; discount privileges sa mga PRA accredited Merchant Partners; free assistance sa pakikipagtransaksyon sa mga government agencies; entitlement sa PHILHEALTH benefits & privileges.
May exemption din sa Philippine Bureau of Immigration ACR-I Card (Annual Report); Customs duties & taxes para sa one-time importation ng household goods & personal effects; US$7,000.00 Tax sa pensions & annuities; travel Tax, kung magtatagal ang retiree sa Pilipinas ng mahigit isang taon; Student Visa/Study Permit
Murang tumira sa Pilipinas, pero depende kung saang lugar. May mga imported and luxury goods na mabibili sa malalaking siyudad – kung saan may mga malls and amenities na matatagpuan din sa mga western city. Pero syempre, mas mahal doon. Sa kabila nito, kung may makikilala ka at magiging kaibigang suki sa palengke, mas makakamura ka.
Pero hindi lahat, pwede sa Pilipinas. Iba ang way of life dito sa atin. May cultural differences din na hindi kayang tanggapin ng magkabilang panig.
Mahalaga ang kumunikasyon, pero walang problema dahil halos lahat ng Filipino ay nakakapagsalita ng English. Dalawa ang official languages natin — Filipino at English. Ginagamit ang English sa buong bansa bilang medium of instruction sa kolehiyo. Tayo pa rin ang third-largest English-speaking nation sa mundo kung populasyon ang pagbabasehan.
Kung healthcare naman ang usapan, depende ito kung saan maninirahan ang retiree. Kung sa Metro Manila, walang problema. Pero kung sa malalayong isla, medyo may problema. Kung sakitin ang ex-pat, dapat, sa siyudad siya tumira o sa bayang malapit sa siyudad. Isa pa, mas murang magpaospital sa Pilipinas kesa sa U.S. at madali pang kumuha ng local health insurance plan. Pwede ring mag-apply sa government healthcare program na PhilHealth. Sa kasamaang palad, hindi tumatanggap ng traditional Medicare ang mga ospital sa Pilipinas. Plus, maraming ospital ang humihingi ng downpayment.
Ang average mobile internet download speed sa Pilipinas ay 12.09 Megabits per second (Mbps), na mababa kumpara sa global mobile internet download speed na 30.89 Mbps. Gayundin, ang ating average fixed broadband internet download speed na 21.00 Mbps ay mababa sa global fixed broadband internet download speed na 39.62 Mbps. In other words, hindi gaanong reliable and efficient ang ating internet connection. Mabagal ang ating internet speed dahil kulang tayo sa cell sites. Kumpara sa 70,000 cell sites sa Vietnam o mahigit isang milyong cell sites sa China, tayo na yata ang may pinakakokonti sa Asia.
Mababang cost of living talaga ang come-on natin sa mga retirees. Bahay, pagkain, at labor cost – napakababa. Madali pang kumuha ng katulong. Mataas din ag currency exchange rates lalo na ang dollars at euro, kaya kahit maliit lamang ang pension ng retiree, nagbubuhay-hari siya sa Pilipinas. Isa pa, marami talagang incentives sa mga ex-pat residents, kasama na ang discounts sa mga retirees na mahigit nang 60 years old, at may duty-free import pa sa household goods.
Kung ibabase sa US ang kwentahan, ang renta sa bahay ay mas mababa ng 79.16%. Ang consumer prices ay mas mababa ng 59.19%. Ang pagkain sa mga restaurant ay mas mababa ng 71.48%. At ang grocery prices ay mas mababa ng 50.24%.
Pagdating sa local purchasing power, mas mababa naman ito ng 76.94%. sa madaling sabi, malaking factor ang presyo sa desisyon ng retiree na manirahan sa Pilipinas. Depende sa kanya kung saan siya tityra, depende sa individual circumstances – anong klaseng bahay, at saan malapit. Kadalasan, gusto nilang malapit sa beach pero malapit din sa siyudad. Mas murang tumira sa labas ng siyudad, syempre.
Ang isa pang option ay ang pagbili ng condominium. Mas mura ito, lalo na kung magtatagal ang retiree sa Pilipinas.
Kung safety ang usapan, may mga lugar sa Pilipinas na hindi ligtas at alam naman nating lahat yan. Medyo delikado sa Mindanao dahil sa terorismong dala ng Abu Sayaff. May mga lugar ding may NPA o may measles outbreak. Hindi ligtas sa Sulu Archipelago, southern Sulu Sea, Marawi City, at iba pang lugar sa Mindanao. Pero ligtas at napakaganda ng Palawan, Batanes, Cagayan de Oro, Pagudpod, Ilocos Norte, at Davao City.
Piso ang official currency sa Pilipinas na ang palitan sa dolyar ay umaabot ng halos P50 per US dollar. Isang dolyar mo, malayo na ang maaabot. Pwede ka nang kumain sa fastfood.
Ang Manila Bay ang pintuan ng Pilipinas sa mundo. Sabi nila, dito makikita ang pinakamagandang sunset. Mainggit sila.
Sa Special Resident Retiree’s Visa (SRRV) na iniisyu ng Bureau of Immigration (BI) of the Republic of the Philippines sa ilalim ng Retirement Program of the Philippine Retirement Authority (PRA) sa mga foreigners at overseas Filipinos, tulad ng nabanggit na, entitled ang holder ng multiple-entry privileges na may karapatang manirahan ng permanente/indefinitely sa Pilipinas.
May option ang retiree sa pagkuha ng SRRV na pumili ng programa, base sa kanyang retirement status.
Kung 50 years old and above at may pensyon – kailangang mag-time deposit siya ng US$10,000 at makakatanggap ng US$800 monthly pension bawat aplikante at US$1,000 naman kung mag-asawa.
Kung walang Pension at ang edad ay 35 to 49 years old – US$50,000.00 time deposit ang kailangang guarantee.
Kung 50 years old and above, requirement ang US$20,000.00 time deposit. Kung dating Filipino Citizens, at least 35 years old, kahit ilan pa ang dependents, dapat, may US$1,500 monthly pension.
Kung ambassadors naman ng ibang bansang nagsilbi at nagretiro sa Pilipinas, kasalukuyan at dating staff members ng international organizationskasama na ang ADB (at least 50 years old) – US$1,500 monthly ppension din.
Pwedeng magdala ang resident retiree ng asawa at anak na below 21 years old at wala pang asawa, na hindi na kailangang magkaroon ng additional deposit. Kung kasama ang asawa sa pagreretiro, pwede silang magsama ng dalawang unmarried children na below 21 years old.
Pwede namang magdagdag ng anak na isasama kung magdadagdag ang principal retiree ng additional deposit na US$15,000.00 per child. Ang nasabing deposit ay sasailalim sa kaparehong kundisyon ng principal deposit. Exempted dito ang mga dating Filipino Citizens.
Pwedeng manirahan sa Pilipinas ang holder ng SRRV na hindi na kailangang kumuha ng extensions of stay sa Bureau of Immigration. Exempted sila sa pagbabayad ng travel tax kung wala pa silang isang taong naninirahan sa Pilipinas. Gayunman, hindi sila pwedeng bumili ng real property sa Pilipinas – liban na lamang sa condominium. Kung legally married siya sa isang Filipino citizen, pwede siyang magpagawa ng residential unit sa lupang pagmamay-ari ng kanyang asawa. Kung natural-born former Filipinos na may SRRV, pwede silang makabili ng hindi hihigit sa 5,000 square meters ng urban land at three (3) hectares naman ng agricultural land.
Bureau of Immigration ang magbibigay ng approval sa SRRV application, na ang pre-evaluation naman ay isinasagawa ng Philippine Retirement Authority, kung saan isinusumite ang application.
Akala ng mga turista, dalampasigan lamang ang meron tayo. Hindi kaya! May mga bulubundukin tayong maipagmamalaki tulad ng Sagada.
Pito hanggang 10 araw ang processing time ng SRRV kung kulpleto ang mga requirements. Indefinite din ang status ng asawa at legitimate o legally adopted unmarried child na under twenty-one (21) kung kasama sila sa application. JAYZL VILLAFANIA NEBRE