NAG-CELEBRATE ng Pasko ang Revilla clan sa St. Luke’s Hospital sa Taguig City. Dito kasi naka-confine ang patriarchal head ng family na si Ramon Revilla Sr.
Taon-taon ay sa loob ng Revilla Mansion sa Imus, Cavite sila nagsecelebrate kasama ang more or less 70 children ni former Sen. Revilla Sr. Hopefully, nakalabas na siya by this time for the celebration naman ng Bagong Taon.
Ang anak ni Ramon Sr. na si Bacoor Councilor Rowena Revilla ang nagsabi sa amin during our caroling with the members of the Philippine Movie Press Club kay Bacoor City Mayor Lani Mercado sa gym ng munisipyo ng Bacoor.
Last year kasi ay si Councilor Rowena pa mismo ang naghatid sa amin sa farm ng mga Revilla kung saan doon mas pinili ng ama nila na mag-stay dahil sa fresh ang hangin at tahimik.
Naluha pa noon si Mang Ramon when we sang in front of him at makita ang mga dating kakilala na veteran writers and past presidents ng PMPC.
Sayang lang kasi kung kailan nakalaya na si Bong, saka naman naka-confine sa ospital ang kanyang ama. Nevertheless, okey na rin ‘yun kasi ngayon puwede na niyang dalawin ang kanyang ama sa ospital anytime.
Ibang-iba na rin ang aura ni Mayor Lani nu’ng mag-caroling ang PMPC sa kanya this year. Kita sa mga mata niya ang saya at ‘di na siya umiyak nu’ng kantahan namin siya ng Christmas song. Unlike last year, talagang ‘di niya napigilang umiyak habang kinakanta namin ang ‘Pasko na Sinta Ko.’
Kuwento ni Mayor Lani sa amin, nag-break in daw muna si Bong nu’ng first week pagkatapos niyang lumabas ng PNP Custodial Center dahil naninibago pa raw talaga ang mister niya.
“Ah, meron siyang, nagigising siyang maraming beses sa isang gabi.
Sabi nga niya, namamahay raw siya. Sabi ko sa kanya, ‘Gusto mo bumalik?’ Hahaha!
“Hindi na pwede. Hindi na puwedeng bumalik,’ sabi ko. ‘Ayaw ka naming bumalik doon.”
May nakakatawa rin siyang kuwento tungkol kay Bong na kahit nasa loob sila ng bahay ay patago pa rin kung gumamit ng cellphone ang dating Senador.
“Tapos tumitingin siya sa paligid kasi may CCTV na ‘yung bahay namin. So, sabi ko, ‘Ano ba ‘yan? Wala ka na sa Crame. Ilabas mo na ‘yang cellphone mo.’ Hahaha!
“Parang nagtatago pa rin siya,” lahad pa ni Mayor Lani.
RONNIE LIANG BINIGYANG-BUHAY ANG KANTA NG ERASERHEADS
BINIGYANG-BUHAY ni Ronnie Liang ang Eraserheads original “Ligaya.” Muling binuhay ng singer-actor Ronnie Liang ang kantang pinakasikat ng bandang Eraserheads, ang “Ligaya,” na bahagi ng kanyang album titled “12.”
Kuwento ni Ronnie, mahal na mahal n’ya ang musika ng E-heads kaya naisipang i-revive ang kanta. Masaya siya dahil ipinagka-loob sa kanya ang song.
Sa kanyang album na “12,” na out na sa lahat ng leading music stores sa bansa, binalikan ng sexy singer ang kanyang journey, simula noong manalo ng Pinoy Dream Academy hanggang sa nagkaroon ng sariling album at concert.
Bago matapos ang taon, isa siya sa mga performer sa New Year Countdown ng Mariott Manila. Inaabangan din ng kanyang mga tagahanga ang muli nilang pagsasama sa entablado ng Pop Star Royalty na si Sarah Geronimo sa concert nito sa February 2019, ang Sarah Geronimo This Is Me Live in Baguio.
Sa dami ng blessings ni Ronnie, hindi pa rin sya nakalilimot sa mga taong tumulong sa kanya simula umpisa. Kaya naman super blessed s’ya. Bukod sa pagiging singer, may business din s’ya at kasalukuyang kumukuha ng kursong pagpipiloto.
Pangarap din daw n’yang maging pilot at malibot ang mundo. Bago pa man malibot ang mundo, isang major concert ang pinaghahandaan sa Mayo 2019. Si Sarah ang special guest, na kapwa Viva artist.
Kaabang-abang din ang ilalabas nilang duet song. Malapit nang mapanood ang music video ng second single na “Ligaya” sa Youtube at Myx. Puwede ring pakinggan sa Spotify. Hanapin lang ang Ronnie Liang.
Comments are closed.