REZ CORTEZ INILIGTAS NG DASAL

MOVIESTAR CHICKA

TAGUMPAY na nalagpasan ni vete­ran actor at Mowel­fund president Rez Cortez ang operasyon sa kanyang atay. Kahanga-hanga ang devotion ni Rez sa kanyang trabaho na kahit kalalabas pa lamang sa ospital ay sumabak na agad sa trabaho. In fact, sa ginawang virtual gathering ng pinakabagong proyekto ng Mowelfund at Maris Pure Corp. — manufacturer ng Healthy & Pure Purified water — biniro siya ni Boots Anson Roa Rodrigo, retired chairman ng Mowelfund, na madasalin talaga ang kilalang kon-trabida kaya nalagpasan niya ang operasyon. Nakatutok sa recovery ni Rez ang anak na si Cai Cortez na hindi lang magaling na artista kundi mahusay ding mang-aawit.

Ang nasabing campaign ay naglalayong makapagtaguyod at makapag-provide ng sustainable solutions sa amamagitan ng Social Welfare, Skills Development and Major Livelihood Pro-grams para sa mga miyembro ng Mowelfund ngayong panahon ng pandemya.

Sa bawat 5-gallons, 350 ml, 500 ml, at 1 Liter ng Healthy and Pure Purified Water, may donasyong napupunta sa MOWELCARE programs. Malaking tulong ang donasyong malilikom pa-ra sa mga mga movie workers tulad ng cameramen, stuntmen,make-up artists na nawalan ng trabaho ngayong panahon ng pandemya.

“For every glass of Healthy & Pure water that you drink, a movie worker is lifted with an opportunity.”

 

JC De Vera ikinasal sa hindi taga-showbiz

INABANGAN ng entertainment press ang pagdalo ng Kapamilya star na si JC De Vera sa contract signing ng Maris Pure Corporation at Mowelfund dahil isa siya sa celebrity endorser ng Healthy & Pure purified water, pero hindi siya nakadalo dahil abala siya sa paghahanda para sa kanilang Tagaytay wedding ng non-showbiz wife na si Rikkah Cruz (kasal na sila in a civil ceremony noong 2018).

Unang napabalitang October 10, 2020 ang kasal nina JC at Rikkah, pero nabinbin ito ng halos isang taon dahil sa CO­VID-19 pandemic. Ani JC, mas mahirap magpakasal ngayon dahil required mag-undergo ng swab test ang lahat ng mga kasali at dadalo sa kasalan. Two months umanong  pinaghandaan ni JC ang kasal nila  ni Rikkah.

Kasalukuyang napapanood si JC sa Kapamilya teleserye na La Vida Lena bilang leading man ni Erich Gonzales. Two months siyang hindi tumanggap ng project dahil ayaw niyang maipit sa lock-in shooting sa kagustuhang matutukan ang wedding nila ni Rikkah.

“Actually, ‘yung ‘MMK’ (‘Maalaala Mo Kaya’) episode with Christian Bables lang ang tinanggap niya dahil two taping days lang ‘yon. Pero ‘yung ibang mga offer sa kanya, tinanggihan talaga ni JC,” sabi ng aming source na malapit kay JC.

Imbes na flower girl, naging bride din sa kasal nila ni Rikkah ang kanilang three-year-old daughter na si Lana Athena. Nagmartsa raw ito sa altar kasama ang dalawang brothers-in-law niya.

“Inisip kong kailangan ding pakasalan kita,” ang sabi ni JC tungkol sa kanyang ideyang gawing bride ang anak sa importanteng araw sa buhay nila ni Rikkah.

Kabilang sa mga tumayong ninang at ninong sa kasal ang President at CEO ng Maris Pure Corp. na sina Mr. & Mrs. Mike Chanco.

Lovi Poe kumpirmadong Kapamilya na

Tuloy na tuloy na ang paglipat ni Lovi Poe sa Kapamilya Network dahil sa teaser na inilabas nila kung saan nakasaad…”A precious jewel finds a new home. Mark your calendars. #Just Love.

Iisa ang interpretasyon ng netizens sa nasabing teaser. Ito ay kumpirmas­yon ng paglipat ni Lovi sa ABS-CBN.

Gets ng lahat kung bakit nagdesisyon si Lovi na mag-ober da bakod sa Kapamilya. Imagine, siya ang leading lady sa upco­ming teleserye ni Piolo Pascual na Dear God. Tatanggi pa ba siya? At hindi lang yan, marami pang inilatag na proyekto  sa kanya na nagustuhan niya.

Kung si Lovi ay taga-Dos na, nakakalungkot naman ang nasagap naming balita na malabo nang ma­tuloy ang sitcom na gagawin ni John Lloyd Cruz sa GMA-7. Hindi pa raw sila nagka-kaayos sa budget. Walang ibinigay na detalye ang aming source kung budget ng production iyon o talent fee ni Lloydie. Marami ang nanghihinayang dahil umaasa ang mga fans sa muli nilang pagtatambal ni Bea Alonzo.

Huwag muna kasing ng maging nega. Lahat naman, nadadaan sa magandang usapan. I’m sure, mapag-uusapan nila iyan at tiyak maaayos ang problema ulit.

4 thoughts on “REZ CORTEZ INILIGTAS NG DASAL”

Comments are closed.