PABIRO man ay mariing tinuran ng magandang Kapuso sexy actress na si Rhian Ramos na sa loob ng halos tatlong linggo na naka-quarantine siya sa loob ng kanyang pamamahay ay nagbago raw ang kanyang katauhan.
Sa simula raw ng quarantine ay very normal ang kanyang mga ikinikilos at pag-uugali, as in pabebe ang kanyang byuti. Pero ngayon, pagkatapos ng halos ikatlong linggo sa pagkaka-quarantine at unti-unti na raw niyang nararamdaman na nagiging monster na raw ang kanyang byuti, as in sungit-sungitan na ang kanyang ginagawi.
Hindi naman daw ‘yung pagka-quarantine ang sanhi ng pagiging monster girl niya kundi ang hindi niya pagbisita sa kanyang mommy na malayo sa kanyang tinitirhan. Ani ni Rhian, makita at mabisita lang daw niya ang ina ay lagi siyang nasa good mood. Ngayon daw ay miss na miss na niya ang ina at gustong-gusto na raw niyang amoy-amoyin ang kanyang maderaka.
And what’s keep her busy habang nasa quarantine? Say ni Rhian, aliw daw siya sa panonood ng hit na hit ngayong Koreanovela na ‘Crush Landing On You’ at sa challenge ng pagkain na hindi naapektuhan ang kanyang pangangatawan. Madalas daw kasi ngayon makaramdam ng pagkagutom si Rhian pero sa buong maghapon ay sindami pa rin ng kinakain niya bago ang quarantine, sa kinakain niya ngayon na naka-quarantine.
SISTERAKA NI LOVI POE PASOK NA RIN SA SHOWBIZ
TULAD ni Lovi Poe, bilang isang singer o recording artist din ang tinahak na landas ng nakababata niyang kapatid na babae, na si Yeliee para pasukin ang mundo ng showbiz. All out support naman si Lovi sa napiling karir ng kapatid kahit pa sa kalabang istasyon si Yeliee napunta.
Kamakailan ay may inilunsad ang ABS-CBN Music International, ang urban pop and hip hop music label na “Not So Famous (NSF)” para sa mga papausbong na mang-aawit hindi lang mula sa Pilipinas kundi sa buong Asya. Kung saan ay isa nga si Yeliee sa mga baguhang recording artists ang kasama sa kalipunan ng mga mang-aawit. Bukod kay Yeliee kasama rin sina Young JV, Pau Palacio at King Murph.
Si Yeliee ay 22 years old ay isa ring pastry Chef at advocate ng mental health. Ang debut release niya na “Wave” ay tungkol sa pagbangon matapos dumaan sa mga dagok sa buhay.
Samantala, inilabas naman ni Young JV ang kanta niyang “Close To Me,” na isinulat ng international hitmaker na si August Rigo.
Comments are closed.