KUMAKALAT ngayon ang larawan ni Ria Atayde sa social media na mataba at malaki ang tiyan.
Hinala ng mga netizens, buntis na si Ria kaya madalian silang nagpakasal ni Zanjoe Marudo noong Marso.
May bumabati at mayroon din namang nang-aasar. Kasi naman, pumiyok pa ang sister ni Ria na si Gela Atayde na hindi raw pwedeng magbuntis ang kanyang sisteret dahil may PCOS ito. Aba, big disappointment yan sa mag-asawa, considering na 32 years old na si Ria at 42 naman si Zanjoe. Napapanahon nang magkaanak.
Naisip ko lang, ano ba ang isyu kung buntis nga si Ria, eh, may asawa naman sya. Yun ngang walang asawa, nabubuntis! So what kung maunahan niyang magbuntis si Maine Mendoza! Wala namang karera kung sino ang unang magbubuntis.
If ever preggy nga si Ria, dapat itong ipagpasalamat dahil pinagkatiwalaan sila ng Diyos na magkaanak — yung iba, hindi. Tandaan nyo, bawat sanggol sa biyaya.RLVN