NAG-DEPLOY na ang Municipal Agriculture Office ng mga light trap sa mga palayan upang mamonitor kung nakapasok na sa lugar ang rice black bug na nakitaan na ng pagdami sa kalapit na lugar tulad ng Cabatuan, Aurora, Burgos, San Manuel, San Mateo maging sa lunsod ng Cauayan.
May namonitor ang isang technician sa bahagi ng Santo Domingo na mga rice black bug ngunit sa pag- iinspeksyon ng municipal Agriculture Office ay wala namang nakita.
Sinabi ni Ginoong Nestor Labog, ang Municipal Agriculturist ng Luna Isabela, sinabi niya na noong mabalitaan nilang may mga nakitang rice black bugs sa kalapit na bayan ay agad silang nagsagawa ng preventive measures tulad ng paglalagay ng light traps sa mga strategic areas sa boundary ng Luna sa ibang bayan ngunit wala namang na-trap na mga rice black bug.
Umaasa ang Municipal Agriculture na hindi na umabot pa sa bayan ng Luna ang mga nasabing insekto dahil malaking problema na naman ito sa mga magsasaka.
Ayon sa mga entomologist aktibo ang rice black bug tuwing full moon kaya magsasagawa sila ng massive light trapping limang araw bago ang ikalabing siyam ng Disyembre at limang araw pagkatapos ng nasabing araw upang makita kung nakarating na sa lugar ang mga insekto.
Ayon sa mga entomologist aktibo ang rice black bug tuwing full moon kaya magsasagawa sila ng massive light trapping limang araw bago ang ikalabing siyam ng Disyembre at limang araw pagkatapos ng nasabing araw upang makita kung nakarating na sa lugar ang mga insekto. IRENE GONZALES