TINATAYANG aabot ang rice imports ng bansa ngayong taon sa 2.3 million metric tons (MMT), ayon sa United States Department of Ag-riculture (USDA).
Ito ang ikalawang sunod na taon na aangkat ang Filipinas ng mahigit sa 2 million metric tons ng bigas dahil noong nakalipas na taon, ang import ay nasa 2.3 MMT din.
Sa datos ng pamahalaan, bago ang 2018, ang huling pagkakataon na umangkat ang Filipinas ng mahigit sa 2 MMT ng bigas ay noong 2010, nang dumanas ang bansa ng kakulangan ng supply dahil sa El Niño at mga bagyo.
“The rice tariffication bill would likely keep imports at robust levels,” pahayag ng USDA sa February iteration ng global grain market report nito.
“The legislation, which would convert the Philippines’ two-decade long quantitative restriction on rice imports, would encourage exporters, particu-larly Vietnam, to further supply Manila with its staple requirement,” dagdag pa ng USDA.
Dahil sa rice tariffication bill ay itinaas ng USDA ang import projections nito para sa Filipinas ngayong taon sa 2.3 MMT mula sa naunang pagtaya nito noong Disyembre na 1.8 MMT.
Sa kabila ng pagbabago sa import forecast, pinanatili ng USDA ang naunang projection nito sa local milled rice output sa 12.15 MMT, bahagyang mas mababa sa 12.235 MMT estimated production noong 2018.
Sa parehong report ay itinaas ng USDA ang forecast nito sa rice consumption at residual requirement ng bansa ngayong taon sa 13.65 MMT mula sa 13.5 MMT noong December.
Ang bagong pagtaya ay mas mataas ng 400,000 MT sa 13.25 MMT estimated rice utilization noong 2018, ayon sa datos ng USDA. JASPER ARCALAS
Comments are closed.