RICE IMPORTS TATAAS NG 3 MMT

RICE IMPORTS-2

TINATAYANG tataas ng 20 porsiyento sa record-high na 3 million metric tons (MMT) ang rice imports ng bansa ngayong 2019.

Ayon sa United States Department of Agriculture (USDA), tumaas ang purchases para sa pag-aangkat ng bigas matapos na alisin ng gobyerno ng Filipinas ang quantitative restriction (QR) sa bigas sa ilalim ng Republic Act (RA) 11203 o ang Rice Tariffication Law.

Matatandaang Marso 5 nang tanggalin ng administrasyong Duterte ang QR sa bigas at nilimitahan ang papel ng National Food Authority (NFA) sa pag-buffer ng stocks o supply.

Sa kanilang buwanang global grains situation report, sinabi ng USDA na kanilang naobserbahan ang mabilis na galaw ng shipments, partikular ang mula sa Vietnam, matapos na maipatupad ang Rice Tariffication Law.

Bunsod nito, binago ng USDA ang 2019 import forecast nito para sa Filipinas mula sa naunang tinatayang 2.8 MMT.

Lumabas sa datos ng USDA na noong nakaraang taon ay umabot sa 2.5 MMT ang inangkat na bigas ng Filipinas. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.