RICE IMPORTS TATAASAN

NAKATAKDANG taasan ng gobyerno ang volume ng rice imports na magmumula sa non-ASEAN countries na maaaring pumasok sa Filipinas  sa mas mababang taripa.

Base sa ikalawang draft ng implementing rules and regulations (IRR) ng Rice Tariffication Law, ang minimum access volume (MAV) para sa bigas ay ibabalik  sa 2012 level nito sa 350,000 metric tons (MT) alinsunod na rin sa commitment ng Filipinas  sa World Trade Organization (WTO).

Subalit sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Assistant Secretary Mercedita Sombilla na sakaling magkaroon ng malaking demand sa mga bigas mula India, Pakistan at China, saka lamang nila  tataasan ang MAV.

Nabatid na anumang rekomendasyon para sa pagtaas ng MAV ay nakadepende sa sitwas­yon sa mga pamilihan. BENEDICT ABAYGAR JR.

 

Comments are closed.