INIHAYAG ni Cabinet Secretary Karlo Alexei B. Nograles kamakailan na ayaw pag-usapan ng gobyerno ang suspension ng Rice Tariffication Law dahil magkakaroon lamang ito ng mga espekulasyon.
Sa isang panayam noong ceremonial signing of the Memorandum of Agreement (MOA) at Deed of Donation and Acceptance (DODA) para sa “Yolanda” housing project sa Iloilo City, sinabi ni Nograles na ang suspensiyon ay nangangahulugan na paghiling sa Kongreso na baguhin ang batas.
“Right now, we don’t want to talk of suspending the Rice Tariffication Law because once you start talking about suspension, prices of rice will change. Usually that is the reflex action, especially traders. We don’t even want to talk about that because there would be speculations,” sabi niya.
Sabay pagdidiin sa mga pahayag ni President Rodrigo Duterte, sinabi niya na ang kailagan ay para sa national government agencies (NGAs) at local government units (LGUs) na direktang kumuha ng palay sa mga magsasaka.
“We skip the middleman because that is the only way we can directly support our farmers. We buy directly from them,” dagdag pa niya.
Sinabi niya na ang gobyerno ay bibili rin ng direkta mula sa mga magsasaka para gamitin para sa feeding program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Department of Education (DepEd), ospital ng gobyerno, pasilidad sa mga bilangguan, at para sa subsidiya ng bigas ng conditional cash transfer (CCT) program.
“Congress will soon approve the amendment in our 2019 budget that will enable DSWD [to provide] the rice allowance for CCT beneficiaries,” sabi pa ni Nograles. PNA
Comments are closed.