BAGO matapos ang Buwan Ng Puso ay may magandang trivia kaming nalaman at tungkol ito sa naging pag-iibigan nina Richard Gomez, now 52 at Lucy Torres-Gomez, now 44 na ikinasal noong April 28, 1998.
Inamin ni Goma na hindi alam ni Lucy na in-love na sa kanya ang aktor sa una nilang pagkikita nang ginawa nila ang TVC ng isang brand ng shampoo. As in, love at first sight ang drama nila.
Palihim daw kinukunan ng picture ng aktor si Lucy at kaya naging significant ang nasabing larawan kay Lucy ay dahil sa araw ng kasal nila ni Richard ito ibinigay sa kanya ng aktor. Inamin naman ito ni Lucy na naaalala niya na kinukunan siya ng picture noong ikalawang shooting day nila ng TVC. Isinulat ito ni Lucy sa kanyang Instagram noong February 2018 na itinaon sa kanilang ika-20th anniversary.
Nitong nakaraang Valentine’s Day ay nag-post ng isang romantic letter si Lucy sa kanyang Instagram para sa kanyang asawang si Richard.
Base sa nakasulat, unang nagkita ang dalawa sa ginawa nilang TVC ng isang brand ng shampoo. Base sa larawang kinunan noong April 25, 1993 ay inamin nito na ‘yun ang pinaka-special moment para sa kanya.
Inamin nito kung gaano siya ninerbiyos nang nakaupo siya sa tabi ni Richard dahil labing dalawang taon pa siya noon ay sobrang crush na nito ang aktor.
Imagine, inamin nito na hindi siya vegetarian pero naubos niya ang isang platong gulay dahil sinabi sa kanya ni Richard na maganda ito sa kanyang katawan.
“I’ve loved you since I was 12, after all, and finally, you were beside me. Real. Asking me to eat my vegetables.”
PICTURE NA KUMAKALAT NI PIOLO AT NG FOREIGN GUY PEKE
NAKITA namin ang picture na may kasamang guwapong foreigner si Piolo Pascual na ang sabi, Kano raw ito at ang tsika, ‘they’re playing sweet music together.’ Naisip lang namin kung anong pakulo na naman ito ng aktor para pag-usapan eh, wala na-man siyang pelikulang ipapalabas na kailangan mag-ingay.
May nakausap kami na ang sabi, pakana raw ito ng mga taong gustong sirain ang imahe ng aktor as in, gusto nilang mag-come out na raw ito. Nakatatawa dahil kahit mag-come out si Papa P ay hindi pa rin maaapektuhan ang pagiging numero uno nitong aktor dahil noon pa naman kinukuwestiyon na ang kanyang kasarian pero kaysa ma-down ito lalo itong binibiyayaan ng blessings ng Diyos dahil mabait siyang tao.
Marami siyang natulungan at katunayan, marami siyang mga pinagpapaaral ng libre na mga anak ng kanyang mga supporter.
“Hayaan mo sila, Kuya Alex, kahit anong sasabihin nila, ‘di magbabago ang pagmamahal namin kay PJ, ang bait ng taong ‘yan. Siya ang nagpapaaral sa aking mga anak. Sagot niya ang tuition fee ng mga anak ko kaya kahit anong paninira sa kanya ng mga naiinggit sa kanya ay kami ang nakakaalam kung ano ang totoong pagkatao ni PJ.
“Eh ano kung bakla siya, eh ano kung hanggang ngayon ay wala pa siyang asawa eh, ‘yun ang trip niya, kaya kaysa itakwil namin siya ay lalo namin siyang minamahal,” depensa ng isang malapit sa aktor.
May ilan namang nagsasabing produkto ng makabagong teknolohiya ang nasabing larawan as in, ‘photoshopped’ daw ang larawan. “Naku noon pa man, may mga picture na si PJ na niretoke na tinawanan lang namin dahil halata naman na fake ang nasabing picture,” pagpapatuloy ng aming kausap.
Kung si Piolo ang tatanungin, mas gusto nitong manahimik kasi ano naman ang mapapala nito kung papatulan niya ito pero inamin naman nito na tao lang siya at hindi siya robot na hindi marunong mapuno. Pero kaysa papatol siya ay ipinagdasal na lang niya ang mga ito.
Comments are closed.