RICHARD GOMEZ BOTO SA ANAK NI AGA MUHLACH

Richard gomez and Andres Muhlach

AMINADO ang Ormoc mayor at actor na si Richard Gomez na ipinagpaalam sa The pointkanya ng mag-amang Aga at Andres Muhlach bago pa pumayag ang kanyang unica hijang si Juliana na maging prom date ng huli.

Sey pa ni Richard, malaki raw ang tiwala niya kay Andres dahil tulad ng ama nito, mabait daw ito at maginoo.

Naiintindihan din daw niya sina Juliana at Andres dahil normal lang daw sa mga nagbibinata at nagdadalaga na magkaroon ng dates during junior and senior proms.

Sa mga nag-circulate namang photos ng dalawang kabataan sa social media, marami ang aprub sa kanilang kombinasyon.

Katunayan, marami ang nagsasabing puwede silang maging love team bukod pa sa masasabing showbiz royalties sila in their own rights.

Paliwanag naman ni Richard, wala sa isip ni Juliana ang pumalaot sa showbiz at hindi rin niya ito ini-encourage.

Mas gusto kasi niyang mag-focus muna ito sa kanyang pag-aaral.

GMA NETWORK  BEST STATION SA 7TH KAGITINGAN AWARDS

WAGI ang GMA-7 bilang “Pinakamagiting na Himpilan ng Telebisyon” sa idinaos GMAna 7th Kagiti­ngan awards for Television ng Bataan Peninsula State University (BPSU) na ginanap sa Balanga City, Bataan.

Itinanghal din ang primetime newscast na 24 Oras bilang “Pinaka-magi­ting na News Program” samantalang ang public affairs show na Alisto ay pinangalanang “Pinaka-magiting na Public Service Program.”

Ang top-rating comedy anthology Dear Uge ang nag-uwi ng “Pinaka-magi­ting na Comedy Show” samantalang ang “Pinaka-magiting na Drama Series” award ay napanalunan ng well-loved Afternoon Prime series na My Special Tatay.

Ang parangal para sa “Pinaka-magiting na Drama Anthology” ay napunta sa Magpakailanman.

Bukod sa mga nasabing parangal, kinilala rin ng BPSU ang GMA News TV programs tulad ng  Investigative Documentaries sa kategoryang “Pinaka-magiting na Investigative Program,” Biyahe ni Drew bilang  “Pinaka-magiting na Magazine Program,” at Reel Time bilang  “Pinaka-magiting na Documentary Program.”

Ang mga beteranong broadcast journalists na sina Jessica Soho and Arnold Clavio ang tinanghal na “Pinaka-magiting na Personalidad ng News Program” para sa State of the Nation with Jessica Soho at “Pinaka-magiting na Personalidad ng Public Service Program” para sa  Alisto.

Panalo rin si Maki Pulido bilang “Pinaka-magiting na Personalidad ng Documentary Program” para sa  Reporter’s Notebook samantalang si Malou Mangahas naman ang napiling “Pinaka-magiting na Personalidad ng Investigative Program” para sa Investigative Documentaries. Wagi rin si Drew Arellano bilang “Pinaka-magiting na Personalidad ng Magazine Program” para sa travel show na Biyahe ni Drew.

Nasa listahan din ng mga nagwagi sina Vic Sotto and Maine Mendoza bilang “Pinaka-magiting na Personalidad ng Comedy Show” para sa Daddy’s Gurl samantalang ang versatile Kapuso actor na si  Ken Chan ang nag-uwi ng karangalan para sa “Pinaka-magiting na Personalidad ng Drama Series” para sa My Special Tatay.

Ang BPSU-Kagitingan Awards for Television ay kumikilala sa mga programa at mga personalidad na nagtataguyod ng kagitingan sa kanilang mga trabaho.

Comments are closed.