RICHARD GUTIERREZ SUPER ASENSADO SA IBA’T IBANG NEGOSYO

TATAHI-TAHIMIK lang itong si Richard Gutierrez pero dumarami na pala ang kanyang mga negosyo. entra eksenaYes, bukod sa gym nila ng mga kaibigan niya na Ultimate Fitness sa Metro­walk, mayroon ding bar & steak house si Chard na Dillingers sa Greenbelt 3 na dinarayo talaga ng customers. Mayroon pa siyang Prohibition Liquor Lounge sa GB3 din. Same partners niya sa gym ang kasosyo niya sa mga ‘yon. Matagal na ring nag-o-operate ang resto, bar & lounge ng Kapamilya actor sa Gramercy Residences sa Makati. Ang Gramercy ang tallest residential building sa bansa at sa 71st floor makikita ang highest bar in the country.

Kasosyo rito ni Chard ang kapatid niyang sina Ruffa at Raymond, plus other business partners na mga kaibigan din nila. Sa kanya namang showbiz career nag-aantay lang si Richard sa proyektong pagsasamahan nila ni Angel Locsin na naging original niyang ka-loveteam noon sa GMA.

BAKCLASH GRAND WINNER NA SI ECHO BONGGA ANG EXPOSURE SA EB, MAY FANS NA RIN

MULA sa pagiging simpleng gay stand-up comedian ay biglang lundag sa taas ang itinanghal kamakailan na kauna-unahang grand winner sa “BakClash” na si Indi Diva ng Tondo, Echo o Jerricho Calingal in real life.

Well, aming napano­nood araw-araw si Bakclash Echo and in all fairness ay may talent naman talaga ito at mahusay sa punch-line at mahusay magpatawa sa live audience at TV viewers. Yes, nakasasabay siya (Echo) sa mga beterano na pagdating sa pagho-host ng Sugod Bahay sa Barangay na sina Jose, Wally, Paolo, at Ryan Agoncillo. Kaya niyang magpaka-Ryzza Mae o kahit sino ay puwede niyang gayahin.

Abangan si Echo sa Eat Bulaga at siguradong siya ay kaaaliwan niyo tuwing pananghalian.

Samantala, sa episode ng Juan For All, All For Juan last Saturday ay very touching ang pagsasama ni Echo at ng kanyang beloved Nanay. Nakita kung gaano kabuting anak ang nasabing Bakclash Ultimate Grand Showdown Winner.

BEAUTY QUEEN ACTRESS FAYE TANGONAN MAY LAUNCHING MOVIE, JUDGE SA ‘FACE OF TOURISM PHILIPPINES’

FAYE TANGONANTAPOS na ang shooting ng “Bakit Nasa Huli Ang Simula” na nagsisilbing launching movie ng new actress beauty queen na si Faye Tangonan. At malaki ang pasasalamat ni Faye sa lahat ng co-actors sa movie na sina William Martinez, Lance Raymundo, Lester Paul Recirdo at JAY-R Ramos at pawang mahuhusay umarte ang mga ito. Si William ay given na mahusay umarte dahil sa tagal nito sa industriya ay nahasa na’t nahawakan ng mahuhusay na director.

“They are very supportive and generous actors, hindi nila ako pinabayaan especially sa mga mahihirap kong scenes sa movie kaya gusto ko uli silang makatrabaho,” say pa ni Faye na busy ngayon sa promo ng pinagbibidahang movie. Pana’y ang guest nito sa online show ng Abante at last Wednesday ay sabay silang nag-guest para mag-promote ni Lester Paul at ng kanilang director at producer ng “Bakit Nasa Huli Ang Simula” sa Tambayan Ng Tsika Tonite. As expected mahusay na nasagot ni Faye ang mga ibinatong questions sa kanya sa nasabing interview.

Samantala, isa si Ms. Faye sa naimbitahan kama­kailan para mag-judge sa Face of Tourism Philipines kung saan siya ang naatasang magputong ng korona sa napiling title holder ng Miss Face of Eco-Tourism Philippines at kakaibang experience na naman ito for her.

Comments are closed.