RICHARD YAP BINIGYAN NG DISCOUNT ANG ANAK SA ENDORSEMENT NG NEGOSYO

Hindi libre ang endorsement ni actor Richard Yap sa mga produkto ng itinayong negosyo ng kanyang anak ka­makailan.

Ayon Kay Sparkle GMA Artist Center ta­lent Ashley Sandrine Yap, anak ni Richard, isa sa mga pinakamahalagang lessons na natutuhan niya sa kanyang ama ay ang value of perseve­rance, sa harap ng mga pagsubok.

“As an entrepreneur, he’s very pursigido. Like, hindi siya nag-give up. Kahit ang hirap na nung pinagdadaanan sa business, he’s always someone that will still push for it talaga hanggang kaya. So, I think that’s one thing that I learned from him as well.”

Sa simula pa lang ay si Richard na talaga ang iniisip na endorser ni Ashley. Kasi, ito ang pagkakataon para makatrabaho niya ang kanyang ama. Bukod dito, magiging kakaiba ang kanyang produkto kapag si Richard ang endorser. Halos lahat kasi ng collagen drinks ay babae ang endorser. Sa pagpili ng male endorser — si Richard nga — layon ni Ashley na ipabatid sa mga prospective buyers na ang kanilang collagen drink ay hindi lamang pambababae kundi para rin sa kalalakihan, o kahit sino pa na walang gender o age barrier.

Aniya, “I wanted to be able to give the message na parang even men can take it. And no matter what age basta adult na, pwede ka na mag-take. And yun nga, instead of just parang, parang ano, eh, prevention is better than cure. So, habang bata ka pa, it’s good to start right away. At siya, (Richard), kahit medyo mas may edad na siya, pwede mo pa ring i-take and it will still help. So yun, walang limit sya, like, for men and women and even sa age.

Hindi naman nagdalawang isip si Richard sa inalok na endorsement ng anak. Isa siya sa mga unang sumubok dito at okay naman ang epekto sa kanya kaya naniniwala siya sa mga benepisyong makukuha dito. Masaya raw siyang ma­ging mukha ng collagen brand ni Ashley.

“Aside from the fact I don’t have a choice,” biro ni Richard Bago nagseryoso, “I really saw Ashley’s vision into bringing something that was of good quality but very affordable to every­one. And I’ve been quietly trying it out for the past few months. I didn’t say anything to anyone, but my co-actors in our show, a few days ago, they mentioned to me ‘Are you doing something to your skin? Because you seem to be glowing.’

“That’s the exact term that they used, so I guess it’s working.”

May talent fee raw namang natanggap si Richard, pero malaki raw ang discount dahil gusto rin niyang tulu­ngan ang anak.

“Actually, we worked out an arrangement so she could make sure I participate,” dagdag pa ni Richard. So it’s not for free but it’s a discount.”

Sabi pa niya, “Med­yo may part na din ako sa negosyo, parang pampalubag-loob…

“Parang ano, what do you call that –Industrial. Yung bibigay ko lang yung pag-endorse ko, not really because binabayaran ako, but because I believe in the product also.”

RLVN