HINDI napigilan ni Rico Blanco na mag-post sa social media para i-share ang kanyang excitement sa bago niyang negosyong itatayo sa La Union.
Tinawag niya itong Port San Juan, isang market place na para sa mga residente at turista sa nasabing lugar.
“Can’t believe I’m now just counting the weeks (days??) til my ultimate dream project in Surftown LU @portsanjuan finally opens its doors to the community,” aniya sa Instagram.
“My partners and I have worked on this for a few years now so I’m absolutely thrilled to see our market level looking all set to welcome tenants, partners, friends and guests VERY SOON,” dagdag pa niya.
Ibinunyag ng dating Rivermaya frontman na pangarap niya noon pang magkaroon ng ganitong negosyo kaya ngayong meron na ay sobrang natutuwa siya.
“Matagal ko pinangarap ‘to kaya pagbigyan n’yo na kung biglaang nag-photo shoot na lang ako dito para hindi maiyak,” ani Rico.
Naging laman ng tsika ng mga Maribel, marites at marichu recently si Blanco dahil na namumuo niyang romansa kay actress Maris Racal, na ngayon ay girlfriend na niya.