TATAHI-tahimik lang itong singer-actor na si Rico Blanco pero isa na rin pala itong successful entrepreneur ng dalawang resto na Poppins kasosyo ang sikat na couturier na si JC Buendia at ang bagong bukas na branch ng Draft Restaurant and Brewery na located sa Ayala Malls the 30th sa Meralco Ave. Ortigas. Casual dining ang sine-serve nila rito at mga imported and local wine naman sa kanilang Bar.
Nang minsang mapasyal kami sa restong ito ay maraming tao, kaya jackpot si Rico at mabilis niyang mababawi ang puhunan nila rito ng kanyang kasosyo. Sabagay, noon pa man ay kilala ng madiskarte ang singer at talagang masinop siya at mahilig mag-invest.
Masuwerte ang babaeng mapapapangasawa ng ex na ito ni KC Concepcion.
SANFO BASED SINGER-DANCER JC GARCIA TARGET NA MAGKA-SOLO CONCERT SA PINAS
NAGING masaya’t productive ang pagdiriwang ng Christmas ni JC Garcia, sa San Francisco dahil nakapag-share sila ng lumang toys para sa mga bata at nakasama ni JC ang ilan sa kanyang special friends na mag-celebrate ng New Year.
And this 2020, hangad ng recording artist/dancer/choreographer (JC) na mas maging maganda pa ang kanyang taon lalo na sa kanyang singing career. Nakatakda nitong i-promote ang kanyang hugot song na “Paalam” na composed ni Richard Tanhueco na nasa likod din ng kanyang song na “Magbago Ka.” Napakinggan sa show naming Star na Star sa DWIZ with my BFF Pete Ampoloquio, Jr. and Abe Paulite a.k.a Papa Umang at sa internet radio show ni JC na “It’s Showtime” sa Fil-Am Radio sa Sanfo Bay Area.
This month ay balik Pinas si JC, at target nito ng magkaroon ng solo concert sa magandang venue. Plano rin niya ang fund-raising concert para sa dating school at ang 50% na kikitain ng show ay kanyang ido-donate rito. Habang nasa bansa ay nakatakda ring bumisita si JC sa kanyang close friend na si Loraine (Veronica Jones), sa ninang na si Divina Valencia na matalik na kaibigan ng namayapang amang actor na si Bino Garcia. Naka-schedule na rin ang guesting nito sa Star na Star sa January 20.
MGA BISEXUAL NA NAG-OUT SA “BAWAL JUDGEMENTAL” NG EB NAKABIBILIB ANG TAPANG
MAPA-NUTAM o Kantar ay mataas ang ratings ng Eat Bulaga at magta-tatlong buwan na nilang tinatalo ang katapat na noontime show sa Dos. Ito ay dahil sa patok na patok na segment nila sa buong bansa na “Bawal Judgemental” na very interesting panoorin dahil sa iba’t ibang topic o issue sa mga contestant.
Last January 4, very heartwarming o makadurog puso ang episode na ang guest celebrity ay ang 1979 Miss International na si Melanie Marquez kung saan matapang na nag-out ang ilang kahalok sa kanilang tunay na gender.
Yes, dalawa sa umamin na bading sa show ay si D Aries at B Prince. Magkaiba ng kwento ang dalawa pero ang nagpaiyak sa host ng segment na si Bossing Vic Sotto at iba pang dabarkads ay itong si Prince na nagkaroon ng asawa at isang anak na hiwalay na. Mahirap raw para sa kanya na tuwing bumibisita siya sa kanyang 4 year old son, ay tinatanong siya ng
anak kung bakla siya. Kaya malaki ang kanyang pasasalamat sa Eat Bulaga at ito ang naging venue ng kanyang pag-amin sa national TV na siya ay gay. Kasama niya sa APT Studio ang pinsang babae na agad siyang tinanggap at sinaluduhan bilang responsableng kuya at ama ng batang apat na taon.
Comments are closed.