(Riding-in-tandem suspects strike again) SUV PINAGBABARIL, SAKAY NADALE

riding in tandem

BULACAN – PATAY ang isang hindi nakikilalang lalaki makaraang pagbabarilin ng riding in tandem suspects ang sinasakyan nitong sports utility vehicle (SUV) sa Brgy. Poblacion, Baliuag.

Sa report ni PNP Acting Provincial Director P/Col. Lawrence Cajipe, ganap na alas-3:20 ng hapon nang tambangan ang biktima habang minamaneho ang SUV na kulay gray na may plakang ACM-6488.

Nabatid na nawalan ng dereksiyon ang sasakyan at bumangga sa nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada.

Dahil sa pangyayari nagmamada­ling bumaba ng sasakyan ang kasamang babae ng biktima at tumakbo papalayo.

Samantala, patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Baliuag pulis kung sino at ano ang motibo ng pamamaslang. THONY ARCENAL