RITA DANIELA LUMITAW ANG GALING NANG MABIGYAN NG TAMANG ROLE

RITA DANIELA

MARAMI ang nakapuna sa ipinakitang galing at natural na pag-arte ni Rita Daniela na gumaganap bilang si Audrey evelyn diaoPalomares, childhood friend ni Boyet played by Ken Chan na na­ging markado rin ang role bilang isang person with “mild autism spectrum disorder” sa seryeng “My Special Tatay.”

Rita plays Audrey, ang babaeng hindi si­niseryoso sa kanilang kapaligiran dahil isa siyang prostitute, da­kilang prosti na hindi ikanahihiya ang trabaho dahil ‘yun ang ibinubuhay niya sa kanyang pamilya at sa sarili niya.

Inamin ni Rita na talagang naiyak siya ng makuha ang role as Audrey. Ibang klase raw kasi, sobrang challenging dahil bida-kontrabida siya. Talagang pinahihirapan niya si Boyet ng sobra.

Sa “My Special Tatay,” ginagawa niya ang lahat para mabuhay, gagawin lahat basta may pera. “Lahat, gagawin niya, para mabuhay. Lahat, gagawin niya, para sa pera.”

Nang makausap namin si Rita noon, problema niya kung paano gaganap bilang isang prosti dahil wala siyang peg.

“So, hindi ko po alam. Hindi ko po alam kung paano ba talaga sila gumalaw.

“Wala talaga akong peg. As much as possible, I want her to be as raw as… si Audrey talaga.

At marami siyang napabilib na mga sumusu­baybay sa serye maraming nagsabi na effective si Rita sa kanyang role. Nabibigyan niya ng justice, bawat galaw. Iisipin mong si Aubrey talaga siya na siya niyang  gustong mangyari. Mahusay ang kanyang pagganap bilang breadwinner na prosti.

In fairness, magagan­da ang reviews sa kanya at sana lang ay hindi siya ma-typecast sa role na prosti at pagiging bad girl, which she really does so well and with ease na parang pinag-aralan niya ang buhay ng isang prostitute.

Ito na sana ang si­mula ng sunod-sunod na project ni Rita. Maganda rin ang naging review sa kanya sa “Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag” at sa musical ng “Eto NAPO sila.”

At si Ken Chan? After Destiny Rose, naka-jackpot na naman.

Napanonood ang “My Special Tatay” sa GMA Afternoon Prime.

BAGONG PLATFORM MIT MESSENGER INILUNSAD

INILUNSAD kama­kailan lamang sa Conrad Hotel Manila sa Pasay City ang pinakabagong platform, ang “mit messenger” and Philippines International Crypto Exchange “Boxcorn.”mit messenger

Hosted by radio personality and broadcaster Rey Langit at inorga­nisa ng Stargram Philippines, ang “Boxcorn” ay isang global currency exchange market na gumagawa ng exchange available anywhere around the world.

Puwedeng mag-process ng cash at cryptocurrency’s sales, exchange and transfer tasks sa pamamagitan ng “Boxcorn’s” online/offline exchange.

It has powerful platforms dahil ang mit messenger ay isang kombinasyon ng pinakamagaling na security and various contents. May powerful elements dahil lahat cryptocurrencies ay gamit sa lahat ng commerce/convenience services pa ini-link sa mit messenger.

Ang kagandahan ng mit messenger ay lahat ng messages ay encrypted at hindi puwedeng ma-hack kaya it has the strongest security para sa money wire transfer, convenient para sa simpleng remittance, kahit saan kaya it can connect all the OFWs in the world thru mit messenger.

It will be introduced in the Philippines ngayong pagpasok ng January 2019 because Philippines uses the messenger the most in the world. Narito sa bansa ang connection with lifestyle which makes it convenient for the people—business connecting lifestyle.

Comments are closed.