PANIBAGONG road reblocking ang ipatutupad ng Department of Public Works and Highways sa ilang mga pangunahing kalsada sa Metro Manila kabilang na sa EDSA.
Sesentro ang concrete reblocking ng DPWH simula kagabi, alas-11:00 at tatagal hanggang sa alas-5:00 ng madaling araw sa Lunes.
Kabilang sa kukumpunihin ang southbound direction bago ang P. Tuazon Flyover gayundin ang parte Boni Serrano Flyover, 2nd innermost lane, 2nd lane sa gilid ng railway; at sa northbound direction pagkalagpas ng Aurora Boulevard patungong New York Street dahil gagawin ang 3rd lane nito mula sa sidewalk.
Ang southbound direction ng A. Bonifacio Avenue sa pagitan ng 11th Avenue patungong J. Manuel Street, 2nd lane mula sa sidewalk; at G. Ara-neta mula Bayanin Road intersection ang mga apektado ng reblocking.
Apektado rin ang westbound direction ng General Luis Street mula Rebisco Road patungong SB Diversion Road; at sa Elliptical Road pagkalagpas ng Maharlika Street, 8th lane mula sa outer sidewalk.
May road repair din sa northbound direction ng Katipunan Avenue/Circumferential Road 5 (C5) pagkalagpas ng C. P. Garcia, 3rd lane mula sa cen-ter island.
Payo ng DPWH sa mga maaapektuhang motorista na maghanap ng mga alternatibong ruta para maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga apektadong lugar.
Comments are closed.