ROAD SAFETY CODE NG QC MAKAKABAWAS NG AKSIDENTE — BELMONTE

MAKATUTULONG sa pagbawas ng aksidente sa kalsada ang bagong aprubadong Road Safety Code ng lungsod ng Quezon.

“It is our desire to be the leader of road safety in Metro Manila instead of being number one in road accidents,” pahayag ni Vice Mayor Joy Belmonte.

Sa Quezon City ang pinakamalaking lungsod sa Metro Manila na may tatlong milyong residente ay mahalaga ang road safety.

“Between life and death, it could just be wearing a helmet, it could just be setting speed limits, it could just be preventing drunk driving, or it could just be having a pedestrian lane  that spells the difference,” ani Belmonte.

Base sa datos ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), umabot sa 33,717 road crashes ang naganap sa lungsod nitong 2017 – ang pinakamarami sa Metro Manila.

Noong 2016 naman, mahigit 33,000 aksidente rin ang naitala sa lungsod, kabilang na ang 116 na tao na namatay.

“This is more than in any other city in the Philippines,” sabi ni Belmonte.

Inakda ni Councilor Oliviere Belmonte, isinasaayos ng Quezon City Road Safety Code ang iba’t ibang road safety ordinances ng lungsod at nagtatakda ng mga bagong regulasyon.

Binibigyang diin nito ang road safety management, road improvement and maintenance, at minimum vehicle standards.

Maaari ring mag-report ng mga road hazards ang publiko sa Department of Public Order and Safety (DPOS).

Ayon pa sa bise alkalde, isa sa mahahalagang probisyon ng ordinansa ay ang pagtatakda ng 30- hanggang 50-kph speed limit sa mga pangunahing kalsada sa lungsod tulad ng Aurora Boulevard (mula Madison St. hanggang Marcos Highway), E. Rodriguez Sr. Avenue, Kamuning Road, Kamias Road, Quezon Ave­nue, Commonwealth Avenue, at iba pa.

Ang Quezon City rin ang kauna-unahang lungsod na magpapatupad ng paggamit ng child safety seats sa mga pribadong sasakyan at mas mahigpit na anti-drunk and drugged driving operations sa pama-magitan ng random sobriety checkpoints.           JOEL AMONGO

Comments are closed.