SIYAM na three-year-olds ang magpapasikat sa 2022 Philracom Roadto the Triple Crown ngayong Linggo sa San Lazaro Business and Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Ang mga magtatagisan ng galing sa 1400-meters ay pangungunahan ng lBashierrou (Brigand out of Allemeuse), nagwagi sa isa sa October 2021 Two-Year-Old Maiden Stakes. Nanalo ito sa 3rd leg ng 2021 Juvenile Stakes Series na may impresibong oras na 1:37 isang milyang distansiya sa Metro Turf.
Hahamunin siya ng kanyang runner-up sa Maiden Stakes, na Enigma Uno.
Sasabak din ang Pharaoh’s Star, nagwagi rin sa 2022 3YO Maiden Stakes, at ang Ipolitika, na pumang-apat sa kaparehong karera.
Mapapalaban din ang 2022 Cool Summer Farms Stakes second placer King Hans sa naturang karera.
Kabilang din ang Bacuit Bay, Eazacky, Lauriatisimo at Lucky Choice sa mga kalahok na magtatangka sa P300-thousand top prize at P100-thousand, P50-thousand, P25,000, P15,000 at P10,000 para sa second hanggang sixth place finishers, ayon sa pagkakasunod-sunod.
“This event aims to be a preview of what’s to come in the coming 1st leg of the 2022 Philracom Triple Crown scheduled this May,” wika ni Philracom Chairman Reli de Leon.