ROAD WARRIORS BALIK SA PORMA

NLEX VS DYIP

Mga laro sa Biyernes:

(Araneta Coliseum)

4:30 p.m. – TnT vs Phoenix

7 p.m. – Ginebra vs Columbian

NAGBUHOS si Aaron Fuller ng 35 points at 21 rebounds upang tulungan ang NLEX na pataubin ang Columbian Dyip, 116-104, sa PBA ­Governors’ Cup kagabi sa  Araneta Coliseum.

Ang Road Warriors, na nakabawi mula sa 72-102 pagkatalo sa kanilang huling laro, ay balik sa porma at umangat sa 3-1 record, habang nanati­ling walang panalo ang Dyip matapos ang tatlong laro.

Matapos magpalitan ng kalamangan sa unang tatlong yugto, bumanat ang Road Warriors ng 13-0 run upang kunin ang  102-89 bentahe sa kaagahan ng payoff period.

Ayon kay NLEX coach Jojo Lastimosa, depensa ang naging susi sa kanilang malakas na simula sa fourth quarter.

Nagtala lamang ang Columbian ng 16-of-46 sa second half, makaraang maibuslo ang 23 sa 46 attempts sa unang ­dalawang yugto.

“We knew that coming in Columbian is no push over so we told the team that we need to earn this win tonight,” wika ni Lastimosa, tumatayong coach ng NLEX sa pagkawala ni head coach Yeng Guiao, na gumagabay sa national team sa 18th Asian Games.

“For some reason we were able to defend well in the second half so we’re happy about that.”

Tumipa si Larry Fonacier ng 17 points para sa NLEX, habang nag-ambag si Kenneth Ighalo ng 15 points at gumawa ang duo nina Quiñahan at Bong Galanza ng tig-10 points.

Nanguna naman si Akeem Wright na may 37 points at 17 rebounds para sa Dyip, habang nagdagdag si Jerramy King ng 22 points.

Iskor:

NLEX (116) – Fuller 35, Fonacier 17, Ighalo 15, Quinahan 10, Galanza 10, Tallo 7, Mallari 7, Marcelo 6, Mi-randa 3, Tiongson 3, Paniamogan 3.

Columbian (104) – Wright 37, King 22, Khobuntin 10, McCarthy 9, Gabriel 9, Lastimosa 7, Cahilig 6, Escoto 4, Corpuz 0, Ababou 0, Tubid 0, Camson 0, Cabrera 0, Celda 0.

QS: 33-34, 64-62, 91-87, 116-104.g

Comments are closed.