ROAD WARRIORS HUMARUROT

NLEX VS MERALCO

Mga laro ngayon:

(Mall of Asia Arena)

4:30 p.m. – Alaska vs Rain or Shine

6:45 p.m. – TNT vs Magnolia

NAGING sandigan ng NLEX Road Warriors sina John Paul Erram at JR Quinaham upang maitakas ang 87-83 panalo laban sa sister team Meralco Bolts sa PBA Philippine Cup kagabi sa Ynares Center sa Antipolo City.

Binasag ni Quinahan ang 83-83 pagtatabla sa pamamagitan ng split sa charity sa foul ni Reynel Hugnatan at sinupalpal ni Erram ang side jumper ni Ranidel de Ocampo matapos na tumawag ng timeout si Meralco coach Norman Black upang dalhin ang NLEX sa panalo.

Sa panalo ay nakatabla ng NLEX ang Meralco sa 2-3 kartada.

Tumipa si  Erram ng 12 points, 8 rebounds, 7 assists at 5 block shots, kasama ang game-clinching block kay De Ocampo.

“Inabangan ko dahil talagang isu-shot ni De Ocampo dahil kapos na sila sa oras,” sabi ni Erram.

“It was a hard earned victory. The game was closed all the way and we secured the victory in the dying seconds,” sabi ni coach Yeng Guiao.

Labindalawang beses nagtabla ang laro, ang huli ay sa 83-all, at maraming beses  nagpalitan ng kalamangan ang dalawang koponan.

Nalimitahan si ace gunner Larry Fonacier subalit inako ng kanyang mga kasamahan ang scoring upang dalhin ang NLEX sa panalo.

Dikit ang laro mula umpisa at kinuha ng Road Warriors ang trangko sa 50-48 makaraang magtabla ng dalawang beses sa apat na tres ni Kevin Alas, na itinanghal na ‘three-point shooter of the game’. CLYDE MARIANO

Iskor:

NLEX (87) – Quinahan 16, Galanza 14, Erram 12, Alas 12, Rios 9, Magat 8, Porter 6, Fonacier 4, Ighalo 2, Paniamogan 2, Tallo 2, Soyud 0.

MERALCO (83) – Dillinger 16, Newsome 15, Hugnatan 14, De Ocampo 8, Caram 8, Amer 7, Hodge 6, Canaleta 3, Faundo 2, Salva 2, Jackson 2, Pinto 0, Tolomia 0.

QS: 21-22, 34-37, 61-64, 87-83.

Comments are closed.