ROAD WARRIORS HUMARUROT

Nlex vs Meralco

Mga laro ngayon:

(Araneta Coliseum)

4:30 p.m. – Rain or Shine vs TNT

6:45 p.m. – Phoenix vs Ginebra

MATAGUMPAY na napigilan ng NLEX ang paghahabol ng Meralco sa huling apat na minuto ng fourth quarter upang itarak ang 105-99 win at ­iposte ang ikalawang sunod na panalo sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Araneta Co­liseum.

Nagbanta ang Bolts sa 92-99 sa huling dalawang minuto subalit nagmatigas ang Road Warriors at binigo ang tropa ni coach Norman Black.

Ang perfect assist ni Kiefer Ravena kay Je­richo Cruz sa ilalim ng basket sa huling 33 se­gundo ang susi sa panalo ng Road Warriors na napanatili ang malinis na kartada sa 2-0.

“We controlled most part of the game. Our offense and defense are on the right track. My import played well and defended well against Durham (Allen). Hopefully, they sustain this game as the tournament progresses,” sabi ni coach Yeng Guiao.

Kulelat ang NLEX sa nakaraang Commissioner’s Cup at determinado ang Road Warriors na bumawi at palakasin ang kanilang title campaign.

Anim na NLEX players ang tumapos sa double figures, sa pa­ngunguna ni JR Quinahaan na may 19 points, kasama ang limang tres sa walong pukol.

Second best scorer si import Oluseyi Ashaolu na may 17 points at 13 rebounds at nalimitahan si Allen Durham sa hu­ling tatlong minuto sa kanilang personal duel.

Umiskor si Durham ng game-high 32 points subalit hindi ito sapat para bitbitin sa panalo ang kanyang koponan sa lungkot ni coach Norman Black.

Hindi nakakuha si Durham ng solidong suporta sa kanyang local teammates maliban kina Raymond Almazan at Baser Amer, na tumipa ng 17 at 15 points, ayon sa pagkakasunod.

Nag-ambag sina Ravena at Kenneth Ighalo ng tig-15 points, Larry Foncier ng 11 at Jericho Cruz ng 10 para sa NLEX, na tumapos na 15 of 31 mula sa arc, kumalawit ng kabuuang 44 rebounds at nagbigay ng 24 assists. CLYDE MARIANO

Iskor:

NLEX (105) – Quinahan 19, Ashaolu 17, Ravena 15, Ighalo 15, Fonacier 11, Cruz 10, Galanza 9, Paniamogan 5, Miranda 2, Baguio 2, Soyud 0, Lao 0, Paredes 0, Rios 0.

Meralco (99) – Durham 32, Almazan 17, Amer 15, Caram 8, Newsome 7, Salva 6, Quinto 5, Hugnatan 5, Faundo 2, Pinto 2, Tolomia 0, Jackson 0, De Ocampo 0.

QS: 28-25, 55-46, 83-68, 105-99.

Comments are closed.