Mga laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. – San Miguel vs Magnolia
6:45 p.m. – Ginebra vs Rain or Shine
MATAGUMPAY na napigilan ng NLEX ang pag-aalburoto ng Phoenix upang maitakas ang 98-94 panalo sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Ynares Center sa Antipolo.
Sa panalo ay umangat ang Road Warriors sa 4-0 kartada at nakasalo ang walang larong Converge sa liderato, habang nahulog ang Fuel Masters sa 1-4.
Pinamunuan ni NBA veteran Jonathan Simmons ang Road Warriors na may 38 points, habang nagdagdag si AnthonySemerad ng 16, Tumipa si Ganuelas Rosser ng 14, gumawa si DonTrollano ng 11 at nag-ambag si Kevin Alas ng 9 points para sa NLEX.
Tinalo ni Simmons si Da Vaughn Maxwell sa kanilang personal duel at muling inakay ang Road Warriors sa panalo.
Hindi madali ang panalo ng Road Warriors at kinailangang gamitin nila ang buong puwersa.
Napakapait ng pagkatalo ng Phoenix na kinuha ang kalamangan matapos maghabol ng double digit at bumigay sa huli sa lungkot ni bagong coach Jamikie Jarin.
Mataas ang morale at fighting spirit sa panalo kontra sister team Talk ‘N Text, 110-108, lumamang ang NLEX sa 86-76 sa likod ng 10-3 run sa simula ng fourth period at pinalobo ang bentahe sa 92-79 sa pinagsanib na puwersa nina Simmons, Alas at Trollano tungo sa panalo. CLYDE MARIANO
Iskor:
NLEX (98) – Simmons 38, Semerad 16, Ganuelas-Rosser 14, Trollano 11, Alas 9, Rosales 4, Anthony 3, Pascual 2, Nieto 1.
Phoenix (94) – Maxwell 25, Perkins 17, Jazul 13, Tio 11, Manganti 8, Muyang 6, Lalata 4, Garcia 4, Soyud 4, Lojera 2, Adamos 0, Alejandro 0, Serrano 0, Camacho 0.
QS: 32-23, 52-49, 76-73, 98-94.