Mga laro ngayon:
(MVA City Coliseum)
5 p.m. – Magnolia vs Meralco
NALUSUTAN ng NLEX ang Rain or Shine para sa 100-97 panalo sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Araneta Coliseum.
Naitala ni Jericho Cruz ang 12 sa kanyang 15 points sa second half upang tulungan ang Road Warriors na mapanatiling buhay ang kanilang kampanya.
Tumapos si Cruz na may 6 rebounds at 6 assists at umangat ang Road Warriors sa 2-7 kartada habang nalasap ng Elasto Painters ang ika-3 kabiguan sa anim na laro.
Nagdagdag si Ola Ashaoulu ng 26 points para sa NLEX.
Ito ang unang panalo ng Road Warriors laban sa Elasto Painters magmula noong 2017.
Samantala, magbabalik ang PBA sa Zamboanga sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon kung saan magsasalpukan ang Magnolia Pambansang Manok at ang Meralco sa MVA City Coliseum.
Dadalhin ng Hotshots ang four-game run habang ipaparada ng Bolts sa pangunahing lungsod na ito sa Mindanao ang kanilang bagong import, sa katauhan ni Delroy Adrian James kapalit ni Gani Lawal.
Determinado si coach Chito Victolero at ang kanyang tropa na mapalawig ang run at ma-improve ang kanilang 4-2 kartada upang mapalakas ang kanilang kampanya para sa ‘Top Two’ finish sa elimination round.
Kinuha naman ng Bolts si James sa pag-asang makababangon. Nasibak sila sa top half ng team standings na may 3-4 marka.
Si James ay tubong Berbice, Guyana na ang pamilya ay lumipat sa United States noong 1990. CLYDE MARIANO
Iskor:
NLEX (100) – Ashaolu 26, Cruz 15, Ighalo 13, Erram 13, Tiongson 8, Soyud 7, Varilla 6, Quinahan 5, Paniamogan 5, Lao 2, Paredes 0, Baguio 0.
Rain or Shine (97) – Bowles 35, Rosales 18, Daquioag 13, Mocon 12, Belga 9, Nambatac 7, Norwood 2, Alejandro 1, Ponferada 0, Borboran 0, Torres 0.
QS: 23-23, 51-38, 81-64, 100-97.
Comments are closed.