“I AM now complete!” masayang mensahe ni Mariel Rodriquez sa mga larawan na kung saan magkasama ang tatay niya at si Robin Padilla.
After eight long years, finally nakaharap na rin ni Robin ang ama ni Mariel. Matagal nang pinangarap ni Robin na makarating ng Tate para nga makaharap at formal na hingin ang basbas ng ama ni Mariel.
Pero dahil nga ayaw siyang pagkalooban ng US visa nu’ng panahon na ‘yun ay hindi ito natupad. Walang nagawa si Robin kundi umaasa uli na one day ay mapagbibigyan din siya na mabigyan ng US visa.
At nitong Pasko ay natupad din ang matagal nang wish ni Robin na magkaroon ng US visa. Nakasama na rin sa wakas nito ang ama ni Mariel sa America.
“Sa ngalan ng Allah ang pinakamapagpala at ang pinakamahabagin. Sa nag-iisang Panginoong Maylikha lamang ang pagpupuri. Isang napakahalagang tagpo sa aking buhay ang naganap at natupad nitong Kapaskuhan God is great!!!
“Pagkatapos nang higit sa 8 taon na paghihintay at mahigit na tatlong visa applicant sa US Embassy upang makilala at hingin ang kamay ni Mariel sa kanyang Ama na si Ginoong Abelardo Termulo ay nakapag-mano na rin ako sa kanyang kanang kamay at marinig ang kanyang bilin at pagsang-ayon sa aking mga hangarin sa kanyang mahal na anak. God is great.
“Napakarami nating pangarap sa buhay ngunit minsan ay hindi ‘yun napagkakaloob sa atin kahit ginawa na natin ang lahat upang makamtan ito hindi dahil ipinagkakait ito sa atin ng Diyos kundi batid niya na may mga bagay na hinihingi natin sa kanya ay hindi makabubuti sa atin kaya ipinagpapaliban ang pagpapala nito kayat papalitan niya ito ng mas higit na kaligayahan at kasiyahan.
“Maraming maraming salamat sa lahat ng tao na gumawa ng paraan upang maging masaya at matiwasay ang pagbisita ng aking Father In Law sa Lupang Sinilangan. Isa pong karangalan ang makamayan kayo sir Abelardo Termulo ido ko po kayo sa inyong pakikipagsapalaran sa Dayuhang Bansa ng Estados Unidos ang inyong sipag at tiyaga lalo sa pagiging isang Ama at isang Anak ay inspirasyon sa mga kalalakihan ng las Islas Filipinas.
“Mabuhay po kayo DAD! Salamat po sa pagpaparamdam sa amin lahat ng tunay na mensahe ng Pasko, mula sa inyong anak na Muslim Maligayang Pasko po sa inyo at sa buong Pamilya ng Termulo. Glory be to God /SubhanaAllah,” mahabang kuwento ni Robin.
Comments are closed.