TINANGGAP nang reservist ang Kapuso actor na si Rocco Nacino sa Philippine Navy. Kung matatandaan, bago pa nag-join sa original artista search si Rocco, ang “StarStruck,” graduate na siya ng nursing at nakapagtrabaho na sa Singapore. Pero mas napaboran nga ni Rocco ang pag-aartista kaysa ituloy ang kursong pinagtapusan niya.
“Pero sa paggawa ko ng training namin para sa Pinoy adaptation ng Koreanovelang “Descendants of the Sun,” nabuksan ng Armed Forces of the Philippines ang mga mata ko para maka-contribute sa ating bansa, sa pagiging isang reservist for the Philippine Navy,” pahayag ni Rocco sa interview niya sa ‘Chika Minute’ ng “24 Oras” last Tuesday evening. “This is an exciting year for me! I believe na magagamit ko ang skills ko as a nurse for medical missions, physical skills in times of calamity, and my influence to inspire and motivate the youth. I am glad that @gmanetwork is very supportive in this new journey of mine. #PhilippineNavy.
Tuloy-tuloy pa rin ang training nila habang nagti-taping na sina Rocco ng “Descendants of the Sun” bilang si Sergeant Diego Ramos na pinangungunahan ni Dingdong Dantes as the Big Boss, sa direksiyon ni Dominic Zapata.
Kasalukuyan namang napapanood si Rocco sa 3-part episode sa Saturday morning drama anthology na “Maynila” at 9:45 am sa GMA 7, ang #MLADaddyCated, katambal si Nicole Donesa.
GINA ALAJAR NAGPASALAMAT SA PAG-TRENDING NG PRIMA DONNAS
NAGPASALAMAT ang buong cast at production staff, sa pangunguna ni Direk Gina Alajar, ng “Prima Donnas” sa mga televiewer, dahil nag-trending nationwide at worldwide ang GMA Afternoon Prime na nagtatampok sa three Prima Donnas na sina Jillian Ward, Sofia Pablo at Althea Ablan with Wendell Ramos, Katrina Halili, Chanda Romero at si Ms. Aiko Melendez.
Napanonood araw-araw ang “Prima Donnas” pagkatapos ng “Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.”
ANNE CURTIS BUNTIS NA RIN KAYA?
TOTOO kayang preggy na rin si Anne Curtis tulad ng sister-in-law niyang si Solenn Heussaff na four months preggy na sa baby nila ni Nico Bolzico? Ayaw raw namang sumagot ni Anne sa tanong, basta happy raw siya na magkakaroon na ng baby sina Solenn at Nico. Hindi raw naman siya tumatangging magka-baby pero ayaw niyang i-pressure and sarili na dahil magkaka-baby na si Solenn, dapat ay magka-baby na rin siya.
“In God’s time, darating din ang araw na iyon,” sabi ni Anne.