ROCKETS PINASABOG ANG CELTICS

ROCKETS

NAGPAKAWALA si James Harden ng 45 points at 6 assists at nagdagdag si Clint Capela ng 24 points at 18 rebounds upang pangunahan ang Houston Rockets sa 127-113 pagdurog sa Celtics noong Huwebes ng gabi sa Houston para sa kanilang ika-8 panalo sa siyam na laro.

Tumipa si Harden, naglaro na may bruised left calf, ng 17 points sa first quarter at tumapos na 11 of 26 mula sa field, kabilang ang 9 of 18 sa 3-pointers. Umiskor si Eric Gordon ng 20 points para sa Houston, na bumuslo ng 48 percent habang umangat sa season-high four games above .500. Tumapos ang Houston na may 18 of 45 sa 3-pointers.

Gumawa si Harden ng hindi bababa sa 30 points sa walong sunod na laro, ang pinakamahabang streak magmula nang kumana si Russell West-brook ng walong sunod na 30-point games noong November 2016. Umiskor si Harden ng hindi bababa sa 35 points sa anim na sunod na laro, ang pinakamahabang streak buhat nang magtala si Carmelo Anthony ng anim na sunod noong April 2013.

Nagbuhos si Kyrie Irving ng  23 points at 11 assists, nag-ambag si Marcus Morris ng 19 points bago na-eject sa kalagitnaan ng fourth quarter, at kumabig si  Jaylen Brown ng 18 points mula sa bench para sa Boston, na bumuslo ng 47 percent subalit na-outrebound, 54-38.

BUCKS 112, KNICKS 96

Sa Milwaukee, humataw si Giannis Antetokounmpo ng 31 points at 14 rebounds at nag­dagdag si Khris ­Middleton ng 25 points nang igupo ng Milwaukee ang New York para sa kanilang ika-6 na panalo sa pitong laro.

Winalis ng Bucks ang home-and-home series, kung saan namayani ito sa  New York, 109-95, noong Pasko.

Napantayan ni Luke Kornet, nasa kanyang unang start sa season kapalit ni Enes Kanter, ang career-high 23 points, at nakalikom si Noah Vonleh ng 15 points at 13 rebounds para sa Knicks. Nalasap ng New York, naglaro na wala si ­leading scorer Tim Hardaway, Jr. dahil sa ka­ramdaman, ang ika-6 na sunod na kabiguan.

Si Kanter ay napatalsik sa laro, may 9:56 ang nalalabi sa fourth quarter, dahil sa dalawang technical fouls.

KINGS 117,

LAKERS 116

Sa Sacramento, California, naipasok ni Bogdan Bogdanovic ang isang 3-pointer sa buzzer at binura ng Sacramento ang 15-point deficit sa fourth quarter upang gulantangin ang Los Angeles sa unang laro ng Lakers ngayong season na wala si LeBron James.

Tumapos si Bogdanovic na may 23 points at nagdagdag si De’Aaron Fox  ng 15 points, 12 assists at 9 rebounds. Nakakolekta naman si Willie Cauley-Stein ng 19 points at eight rebounds, habang gumawa si Iman Shumpert ng 18 points at napantayan ang kanyang career high na may anim na 3s.

Si James ay hindi nakapaglaro dahil sa groin injury, na tumapos sa kanyang consecutive games played streak sa 156. Ang four-time MVP ay nagtamo ng injury sa 127-101 panalo ng La­kers laban sa two-time defending NBA champion Golden State noong Pasko nang madulas siya habang kinukuha ang loose ball.

TRAIL BLAZERS 110, WARRIORS 109 (OT)

Sa Oakland, California, naisalpak ni  Damian Lillard ang go-ahead 3-pointer, may 6.3 segundo ang nalalabi sa overtime, at kumamada ng 21 points sa kanyang huling regular-season game sa home sa Oakland upang pangunahan ang Portland kontra Golden State.

Sumablay si Kevin Durant sa isang 13-footer kasabay ng pagtunog ng final buzzer subalit naitala ang kanyang ikalawang triple-double sa season – 26 points, 11 assists at 10 rebounds.

Gumawa si Jusuf Nurkic ng 27 points at 12 rebounds para sa Blazers.

76ERS 114,

JAZZ 97

Sa Salt Lake City, nagposte si  JJ Redick ng 24 points at nagdagdag si Joel Embiid ng 23 points, 15 rebounds at 5 blocks  upang tulungan ang Philadelphia na manaig laban sa Utah.

Naitala no Ben Simmons ang kanyang ika-5 triple-double sa season sa kinamadang 13 points, 14 rebounds at 12 assists.

Tumabo si Mitchell ng 23 points, nagdagdag si Dante Exum ng season-high 20 at bu­manat si Rudy Gobert ng 17 points at 15 rebounds para sa  Jazz.

Comments are closed.