NAGBUHOS si Stephen Curry ng game-high 38 points upang lumapit ng 18 sa career franchise record ni Wilt Chamberlain, at pangunahan ang Golden State Warriors sa 125-109 panalo laban sa bisitang Houston Rockets.
Nagdagdag sina Andrew Wiggins ng 25 points at Jordan Poole ng 21 mula sa bench para sa Warriors, na galing sa 110-107 home loss sa Washington, isang gabi bago ang kanilang paghahabol para sa bottom-end playoff spot sa Western Conference.
Nagbalik si John Wall, hindi naglaro sa 126-109 road loss noong Biyernes sa Los Angeles Clippers, para pangunahan ang Rockets na may 30 points.
Nag-ambag si Mychal Mulder ng 10 points para sa Warriors, na na-outshoot ang Rockets — 53.8 percent sa 46.6 percent. Nagbigay si Draymond Green ng game-high-tying seven assists, bukod pa sa 7 rebounds, 2 points at 3 steals.
Tumipa si D.J. Augustin ng 19 points, habang nagdagdag sina Christian Wood at Kelly Olynyk ng tig-18 para sa Rockets, na natalo sa ika-7 pagkakataon sa huling walong laro.
BLAZERS 118,
PISTONS 103
Nagtala si Enes Kanter ng franchise record na may NBA season-best 30 rebounds at umiskor din ng 24 points upang pangunahan ang Portland Trail Blazers sa 118-103 panalo laban sa bisitang Detroit Pistons.
Binura ni Kanter, na nagtala rin ng career high para sa kanyang board work, ang marka ng Portland na naiposte ni four-time All-Star Sidney Wicks noong Feb. 26, 1975, kontra Los Angeles Lakers. Si Kanter ay nagtala ng franchise mark na 12 offensive rebounds.
Nakalikom si Damian Lillard ng 27 points at 10 rebounds, at tumipa si CJ McCollum ng 26 points para sa Portland. Nagdagdag sina Carmelo Anthony at Nassir Little ng tig-11 points para sa Trail Blazers.
Napantayan ni Josh Jackson ang kanyang career high na limang five 3-pointers habang kumamada ng 21 points para sa Pistons, na naglaro na wala si leading scorer Jerami Grant (knee) sa ikalawang sunod na game.
Nagdagdag sina Frank Jackson ng 17 points, Saddiq Bey ng 14 at Sekou Doumbouya ng 11 points para sa Detroit, na 2-2 sa five-game road trip.
SUNS 134,
WIZARDS 106
Kumana si Devin Booker ng 27 points, at nag-ambag sina Chris Paul at Deandre Ayton ng double-doubles upang pangunahan ang Phoenix Suns sa 134-106 panalo kontra bisitang Washington Wizards.
Umiskor si Paul ng 13 points at nagbigay ng 10 assists, bumuslo si Ayton ng 7-of-10 mula sa floor para sa 14 points at kumalawit ng 10 rebounds, at ang lahat ng limang Phoenix starters ay umiskor ng double-figures. Tumapos si Mikal Bridges na may 15 points.
Tatlo pang Suns reserves ang nagtala ng double-figures. Kumamada si Cam Payne ng 6-of-9 mula sa floor para sa 14 points at nagbigay ng assists, tumirada si Jevon Carter ng 4-of-10 mula sa 3-point range at tumapos na may 14 points, at nagdagdag si Cam Johnson ng 12 points.
JAZZ 128,
KINGS 112
Nagpasabog si Donovan Mitchell ng 42 points at ang Utah Jazz ay naging unang koponan sa NBA na umabot sa 40-win mark sa pamamagitan ng 28-112 panalo laban sa Sacramento Kings sa Salt Lake City.
Nagdagdag sina Mike Conley ng 26 points at Joe Ingles ng 20 mula sa bench, kung saan ang dalawang players ay kapwa nagsalpak ng limang 3-pointers, upang tulungan ang Jazz na burahin ang double-digit deficit tungo sa panalo.
Ito ang ika-24 sunod na panalo ng Utah sa home at ika-11 ng koponan sa 13 games.
Sa iba pang laro ay pinatahimik ng Philadelphia 76ers ang Oklahoma City Thunder, 117-93; dinispatsa ng Toronto Raptors ang Cleveland Cavaliers, 135-115; at pinulbos ng Los Angeles Lakers ang Brooklyn Nets, 126-101.
444200 442180Extremely usefull blog. i will follow this blog. maintain up the excellent work. 720473
933048 198308Slide small cooking pot inside the cable to make it easier for you to link the other big wooden bead for the conclude with the cord. 967066
769678 392905i could only wish that solar panels cost only several hundred dollars, i would adore to fill my roof with solar panels- 49502