MAGPAPATUPAD ng panibagong rolbak sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo ngunit may ilang gasolinahan ang nagbaba na ng presyo simula kahapon ng umaga.
Epektibo kahapon ng alas-6 ng umaga ay may tapyas na P1 sa bawat litro ng diesel at P0.80 sa bawat litro ng gasolina ang Phoenix Petroleum.
Pareho rin ang magiging rolbal ng Clean Fuel pero ngayong hapon pa ito ipatutupad.
Batay sa source sa industriya, nasa P0.80 hanggang P0.90 ang ibinaba ng presyo ng kada litro ng imported na gasoline, habang P0.90 hanggang P1 naman sa diesel.
Karaniwang inaanunsiyo ng mga kompanya ng langis ang price adjustment tuwing Lunes na ipinatutupad ng Martes.
Noong Martes, Oktubre 1, ay nagpatupad ang mga kompanya ng langis ng P1.45 rolbak sa kada litro ng gasolina, P0.60 sa kada litro ng diesel at P1.00 sa kada litro ng kerosene.
Comments are closed.