ROLLBACK SA PRESYO NG KRUDO SIMULA NGAYON

ROLLBACK

MATAPOS ang sunod-sunod na pagsipa ng pres­yo ng petrolyo, ikatutuwa ng mga motorista ang rollback sa presyo ng produkto ng petrolyo mula ngayong araw, Linggo, Hunyo 3.

Sa magkakahiwalay na abiso, inanunsiyo ng Total, Pilipinas Shell, at PTT Philippines na sila ay magbabawas ng pres­yo ng gasolina ng P1.20 kada litro at diesel ng P0.90 kada litro.

Magbabawas din ang Shell ng presyo ng kerosene ng P1.00 kada litro.

Nauna nang nag-anunsiyo ang Petron na ipatutupad nila ang rollback ng P1.20 kada litro sa presyo ng kanilang gasolina. Magbabawas din sila ng presyo ng diesel ng P0.90 kada litro, at ng kerosene P1.00 kada litro.

Ang pinakahuling price adjustment ay magsisimula ng alas-6 ng umaga ng Linggo, Hunyo 3.

Nag-rollback na ang Phoenix Petroleum Philippines ng presyo ng kanilang petroleum products simula nitong Biyernes, Hunyo 1— gasolina ng P1.40 kada litro,  diesel ng P1.00 kada litro.

Hinihintay pa ang ibang kompanya na mag-anunsiyo ng kanilang oil price adjustment.

Ipinakita ng Department of Energy (DOE) ang huling datos na ang presyo ng gasolina sa bansa sa kasalukuyan ay nasa P50.85 hanggang P60.85 kada litro, diesel mula P41.40 hanggang P47.78, at keresone mula P47.26 hanggang  P57.01.

Comments are closed.