QUEZON CITY – ARESTADO ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ng mga tauhan at pamunuan ni Direc-tor, Police Brigadier General Joselito Esquivel Jr., ang isang rookie cop kasama ang kanyang ama kabilang ang isa pang babae sa buy bust nito lamang makalawa habang naaresto rin ang iba pang pitong suspek sa magkahiwalay na buy bust operation sa Quezon City.
Ang suspek na sina Patrolman Darryl Galendez, alyas Dary Pulis, 25, residente ng Brgy. Gen. T. de Leon, Valenzuela City.
Arestado ang pulis kasama ang kanyang ama na si Daniel Galendez, 50, at si Estella Alfonso, 36, kapuwa nasa Brgy. Pasong Tamo.
Ang Talipapa Police Station sa ilalim ni PLTC Alex Alberto ang umaksyon sa naturang operasyon.
Anila, base na rin ito sa impormasyon na nakuha sa pagkakadawit ng naturang police officer at ng kanyang ama dahil na umano sa pagbebenta o transaksiyon sa droga at sumailalim sa monitoring at validation.
Bandang alas-10:30 ng gabi noong Abril 2, 2019, nang magsagawa ang mga operatiba ng buy bust operation sa nasabing lu-gar.
Isa sa mga police ang tumayong bilang buyer at bumili ng halagang P200 ng shabu mula sa mga suspek dahilan upang arestuhin ito. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.