ROTC PROGRAM WALANG KONEK SA STUDENT SLAY – AFP

ROTC-2

CAMP CRAME – NILINAW ng Armed Forces of the Philippines (AFP)  na walang kinalaman sa Reserve Officer’s Training Corps (ROTC) Program ang away ng dalawang estudyante sa Dumangas Iloilo na ikinasawi ng isa sa mga ito.

Ito ang sinabi ni AFP Spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo matapos ang pahayag ng ANAKBAYAN group na  isang corps commander ng ROTC ang pumatay sa biktima kaya para sa kanila dapat nang itigil ang  ROTC dahil puro umano pagiging bayolente at pagpatay ng kapuwa kadete ng ROTC ang itinuturo at sinasabi pang bahagi ito ng Duterte Te­rorista.

Paliwanag ni Arevalo, mali ang mga pahayag ng ANAKBAYAN dahil  una ang suspek na si Elmer Decilao ay hindi corps commander ng ROTC dahil kasalukuyan na itong graduating student at hindi na enrolled sa ROTC habang ang  biktimang si Willy Amihoy, 23-anyos ay first year student naman.

Personal na away aniya ang nangyari sa dalawa kaya hinampas ng tubo ng suspek ang biktima sa isang comfort room sa  kanilang dormitory. Pinagbintangan daw  kasi ng biktima ang suspek na ninakaw ang kanyang pitaka.

Naniniwala si Gen. Arevalo na walang basehan ang pagtutol ng ANAKBAYAN sa ROTC  dahil para sa AFP ang ROTC ay makakatulong sa mga kabataan para magkaroon ng sense of res­ponsibility, disiplina at pagmamahal sa bayan.  REA SARMIENTO/ VERLIN RUIZ

Comments are closed.